Panalangin para sa ulan, panawagan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,316 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang buong Archdiocese of Manila na isama sa Panalangin ng Bayan sa bawat Misa na ipagkaloob ng Panginoon ang biyaya ng ulan na kinakailangan ng bansa sa gitna ng krisis sa kakulangan ng tubig.

Sa circular letter na nilagdaan ni Cardinal Tagle para sa mga Rector, Parish Priest, Chaplains, Religious Communities at Heads ng Secular Institutes ng Archdiocese of Manila ang paanyaya ng Cardinal na magkaisa sa pananalangin para sa ulan na kailangan na dulot ng tagtuyot.

Paliwanag ni Cardinal Tagle, tanging ang Diyos ang makatutugon sa kinakaharap na krisis sa tubig ng bansa na tinukoy ng mga eksperto na mild El Niño sa pamamagitan ng pananalangin.

“We are currently facing a crisis in the water. Experts reported that we are experiencing a mild El Niño. People tasked with managing our water resources have warned that we faced a crisis in these areas. Our relief will come from nature. And so we implore the Master of all creation, God, Our Father, at whose command the winds and the seas obey, to send us rain,” ang bahagi ng Circular Letter ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Bahagi rin ng panalangin na matagpuan nawa sa Panginoon ng bawat isa ang ganap na pananagutan hindi lamang sa kapwa kundi maging sa kalikasan at lahat ng biyayang ipinagkatiwala ng Panginoon sa sanlibutan.

Kaakibat ng kautusan ang isang panalangin para sa ulan na babasahin sa Prayer of the Faithful sa pang-araw-araw na misa at sa misa ng linggo sa lahat ng parokya.

Hinimok din ni Cardinal Tagle ang lahat na gamitin ng tama ang tubig at kuryente upang hindi na makadagdag sa lumalalang problema.

Nanawagan naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na maging mahinahon sa gitna ng umiiral na kakulangan sa tubig sa bansa.

Bukod sa mga residente na naapektuhan ng kakulangan ng tubig sa malaking bahagi ng Luzon ay limang ospital sa Metro Manila kabilang ang Rizal Medical Center sa Pasig; National Center for Mental Health sa Mandaluyong; National Kidney and Transplant Institute; Philippine Children’s Medical Center at Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City.

Una na ring nanawagan ang Santo Papa Francisco sa mga mananampalataya hinggil sa kahalagahan ng malinis na tubig na kinakailangang pangalagaan ng bawat isa.

Ayon kay Pope Francis ang pagkakaroon ng tubig ay isang karapatan ng bawat tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 77,893 total views

 77,893 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 121,501 total views

 121,501 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 204,075 total views

 204,075 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 215,313 total views

 215,313 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top