Pananalig sa Panginoon, panatilihin sa harap ng mga sakuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 480 total views

Hinimok ng isang Obispo ang mamamayan na panatilihin ang pananalig sa Panginoon sa gitna ng dinaranas ng bansa na mga sakuna.

Ayon kay Diocese of Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, kinakailangan ng mas masidhing pananampalataya at pananalangin sa Panginoon upang malampasan ng mga Filipino ang kalamidad na dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan bunsod ng Habagat.

Dagdag pa ni Bishop Iñiguez, sa gitna ng mga pagsubok na ito sa ating bansa, ay dito masusukat ang pagpapamalas ng pagtutulungan at pagmamalasakit ng bawat Filipino sa kanilang kapwa.

“Sa ating lahat ngayon ito ay tunay na isang malaking bahagi ng ating paghihirap. Isang paghihirap na bunga na rin ng kalikasan, hindi natin ito maiiwasan pero isang pagkakataon ito upang magsama-sama tayo bilang isang sambayanan upang makalusot tayo dito ng maayos,” ang bahagi ng pahayag ni Bp. Iñiguez sa Radyo Veritas.

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council, umabot na sa 13 ang indibidwal na nasawi dahil sa South West monsoon o habagat na pinalalakas ng tatlong weather circulations sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Naitala rin na ang 55,963 na bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad na na may kabuuang bilang na 262,271 indibidwal.

Sa kabuuan umabot nang P6,276,000.05 ang halaga ng relief assistance na naipamahagi ng NDRRMC sa mga apektadong lugar sa NCR, Region III, CALABARZON at Negros Island Region.

Samantala, nakapagbahagi narin ng P481,675.00 na halaga ng tulong ang Simbahang Katolika partikular ng Caritas Manila at Quiapo Church sa mga apektadong lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 78,245 total views

 78,245 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 78,245 total views

 78,245 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 78,245 total views

 78,245 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 75,861 total views

 75,861 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 69,259 total views

 69,259 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 285,253 total views

 285,253 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top