Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panawagan mula sa Zambales

SHARE THE TRUTH

 149 total views

Mga Kapanalig, sa Banal na Bibliya, inilagak sa atin ng Panginoon ang tungkuling maging mabuting tagapangasiwa ng kalikasan. Ito ang matutunghayan natin sa kuwento ng paglikha sa aklat ng Genesis. Ang propetang si Isaias naman ay may ganitong babala sa mga hindi tumutupad sa tungkuling ito: “Sinira na ang daigdig ng mga naninirahan dito dahil sinuway nila ang katuruan ng Diyos… Kaya susumpain ng Diyos ang daigdig, at magdurusa ang mga tao dahil sa kanilang kasamaan, mababawasan ang mga naninirahan sa lupa; kaunti lamang ang matitira sa kanila.”

Ngunit balewala ang ganitong mga paalala at babala para sa mga walang pagpapahalaga sa kalikasang para sa kanila ay mapagkukunan ng pansariling kayamanan. Habang nakatutok ang ating atensyon sa nagpapatuloy na pandemya at habang inaatupag ng mga lider natin ang pangangampanya para sa darating na eleksyon, maraming nangyayaring pagsira sa likas-yaman ng ating bansa na gawa ng mga sakim at sariling interes lamang ang iniisip.

Isa na rito ang isang blacksand mining project sa diumano’y pagmamay-ari ng alkalde ng bayan ng San Felipe sa probinsya ng Zambales. Humihingi ngayon ng suporta sa publiko ang mga miyembro ng Save Zambales Kalikasan Movement (o SZKM) para sa kanilang petisyong itigil ang pagpapatayo ng isang pribadong jetty port na anila ay para sa blacksand mining project doon. Pinalalabas ng lokal na pamahalaang ang daungan ay bahagi ng creek rehabilitation at flood control project nito, ngunit sa pagsisiyasat ng SZKM, ito ay walang legal na basehan, hindi dumaan sa konsultasyon sa mga residente, at walang kaukulang environmental impact studies. Kinikuwestyon din ng grupo ang mga contractors na nagtatayo ng jetty port dahil hindi raw matagpuan sa Securities and Exchange Commission ang mga papeles nito, at napili sila ng lokal na pamahalaan nang hindi dumadaan sa tamang bidding and awarding processes.

Higit sa legalidad ng proyekto, ang higit na ikinababahala ng SZKM ay ang pinsalang idudulot ng jetty port at ng mismong blacksand mining project. Anila, iibahin ng paghuhukay na ginagawa sa kanilang ilog ang daloy ng tubig na magdudulot naman ng pagkasira ng marine habitats at pagkawala ng mga likas-yaman doon. Sisirain din nito ang kalidad ng tubig at hangin, at magbubunga ng polusyong makagagambala sa mga hayop. Sa huli, ang mga kababayan nating umaasa sa pangingisda sa bahaging iyon ng Zambales ay mawawalan ng kabuhayan. Apektado na nga sila ng pandemya, masisira pa ang pinagkukunan nila ng pagkain at pansuporta sa kanilang pamilya. Kapag matapos ang daungan, pinangangambahan nilang hindi na magiging madali para sa kanilang pumalaot. Sa pagdagsa ng mga barko, tiyak na tatagas sa dagat ang delikadong mga kemikal at gasolinang lalason sa mga isda at iba pang lamang-dagat.

Ang ganitong pangmatagalang epekto ng mapanirang pagmimina ay hindi isinasaalang-alang ng mga negosyante at maging ng mga pulitikong kasabwat nila. Dapat nang buwagin ang paniniwalang magdadala ng benepisyo ang pagmimina, dahil katulad ng nakita na natin sa napakaraming proyekto sa bansa, pangmatagalang pagkasira ang iniiwan ng mga ito hindi lang sa kalikasan kundi sa buhay ng mga tao. Wika nga ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, ang halaga ng pinsalang dulot ng kawalan ng malasakit sa kalikasan ay higit na malaki kaysa sa mga benepisyong pang-ekonomiya na makukuha natin sa mga malalaking proyektong katulad ng minahan.

Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga taga-San Felipe ang nananawagan ng suporta para sa kanilang laban upang matigil ang mga mapaminsalang proyektong katulad ng isinasagawa sa kanilang lugar. Marami pang katulad nilang matapang na bumabangga sa mga makapangyarihan. Sa ating may kakayahan at kakayanan, idagdag natin ang ating boses sa kanilang panawagan dahil sa huli, tayong lahat ang sisingilin ng kalikasan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,945 total views

 9,945 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,426 total views

 17,426 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 30,566 total views

 30,566 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 36,539 total views

 36,539 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 42,293 total views

 42,293 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,946 total views

 9,946 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 17,427 total views

 17,427 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 30,567 total views

 30,567 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 36,540 total views

 36,540 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 42,294 total views

 42,294 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,797 total views

 40,797 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,881 total views

 41,881 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,262 total views

 37,262 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,266 total views

 49,266 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,308 total views

 57,308 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,865 total views

 48,865 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,290 total views

 47,290 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,076 total views

 49,076 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,001 total views

 46,001 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,315 total views

 60,315 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top