13,367 total views
Patuloy na ipinapanalangin ni Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual ang mamamayan sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang kay Hesus.
Tinuran ng opisyal ang kalusugan sa pitong aspeto ng buhay: Spiritual, Mental, Emotional, Physical, Financial, Relational, at Vocational Health.
Ayon kay Fr. Pascual nawa’y sa pagdating ni Hesus na tangan ang liwanag ng pag-asa ay mapuspos ang bawat isa ng biyaya ng pananampalata, pag-ibig at pag-asa.
“As we celebrate the birth of Jesus, may His light illuminate your path everyday and His peace fill your mind and heart constantly,” bahagi ng mensahe ni Fr. Pascual.
Bilang pangulo sa pangunahing media arm ng Archdiocese of Manila katuwang si Fr. Roy Bellen bilang Vice President ay tiniyak nitong mas paiigtingin at palalawakin ang misyon ng Radio Veritas 846 upang maipaabot sa bawat sulok ng bansa at maging sa ibayong dagat ang mensahe ng pag-asang dala ni Hesus.
Sa Christmas message ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula pinaalalahanan nito ang mamamayan na ang pagkakatawang tao ni Hesus ay tanda ng liwanag at pag-asa sa sanlibutan lalo’t patuloy na nararanasan ng mundo ang iba’t ibang hamong nagdudulot ng pagkalumbay at kawalang pag-asa.
Ito rin ang hangarin sa pagdiriwang ng Jubilee Year of Hope sa 2025 sa temang Pilgrims of Hope na binuksan ni Pope Francis sa Vatican nitong December 24 kung saan hinimok ang mananampalataya na makilakbay at maging pag-asa sa bawat isa.