Pangalagaan ang Masungi Georeserve, panawagan ng environment group

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 990 total views

Nanawagan sa pamahalaan ang Masungi Georeserve Foundation hinggil sa pangangalaga sa Masungi na bahagi ng Sierra Madre na matatagpuan sa bayan ng Baras, sa Rizal.

Nahaharap ngayon sa panganib ang Masungi Georeserve bunsod ng pag-angkin sa lupain at pagsasagawa ng quarrying na nakaaapekto naman sa Upper Marikina Watershed.

Ayon kay Billie Dumaliang, Advocacy Officer at Trustee ng grupo, nawa’y isaalang-alang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga pagpapasya at pagkilos batay sa kapakanan ng kalikasan na siyang kapakanan din ng lahat ng sangnilikha.

Giit pa ni Dumaliang, kailangang suportahan ng pamahalaan at mga makakalikasang grupo ang pangangalaga at pagpapanatili ng Masungi sa halip na suportahan ang mga kumpanya na lalo lamang nag-aambag sa pagkasira ng kalikasan.

“Ang ating mga proyektong pangkalikasan ay nanganganib dahil sa mga interes na ito, at kailangan tayong maging vigilant hanggang hindi pa nawawala ang mga bantang ito,” bahagi ng pahayag ni Dumaliang sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi naman ni Dumaliang na may inaatasan silang mga park rangers o mga tagapagbantay upang mabantayan ang bawat protected areas sa Masungi.



Nakikipag-ugnayan din ang grupo sa iba’t ibang mga ahensya upang makatuwang sa pagpapanatili ng kagubatan.

Ayon kay Dumaliang, “Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hindi pa natin maalagaan ang ibang lugar sa project site na kailangang-kailangan na ng rehabilitasyon. Kailangan nating maabot at maalagaan ang mga ito upang maiwasan ang pagbabaha, landslides, at pagkawala ng tubig.”

Hamon naman ng grupo sa bawat isa na walang dapat katakutan sa pagpapahayag ng tinig para mapangalagaan ang kalikasan.

Naniniwala si Dumaliang na kung magsasama-sama ang lahat upang itaguyod ang pangagalaga sa kalikasan, mababago ang hinaharap at maisasalba ang Masungi, at ang watershed na itinuturing nating iisa at natatanging tahanan.

Batay sa Laudato Si ni Pope Francis, mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pagpapatupad ng pamahalaan ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 6,478 total views

 6,478 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 28,483 total views

 28,483 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 52,825 total views

 52,825 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 76,986 total views

 76,986 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 112,376 total views

 112,376 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top