VeritasPH

The Word, The Truth

Panganib sa tao at kalikasan

SHARE THE TRUTH

 257 total views

Mga Kapanalig, noong katapusan ng Pebrero, inilabas ng Intergovernmental Panel on Climate Change (o IPCC) ang pinakabagong ulat nito tungkol sa mga sanhi at epekto ng climate change at mga posibleng solusyon dito. Gaya pa rin ng natuklasan sa mga naunang report, mas titindi at mas bibilis pa raw ang pagbabago ng klima kaysa sa ating inaasahan, at maraming bahagi ng ating planeta ang magiging unhabitable o hindi na maaaring matirahan sa susunod na ilang dekada. Dahil sa nakaaalarmang estado ng ating klima, tinawag ito ng secretary-general ng United Nations bilang “code red for humanity’’.

Sa araw ng paglabas ng IPCC report, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 164 na naglalahad na magkaroon ng iisang posisyon ang bansa para sa nuclear energy program. Dahil sa patuloy na pagnipis ng suplay ng kuryente sa ating bansa, isasama na ang nuclear power sa mga alternatibong mapagkukunan ng  enerhiya. Inatasan din ang Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee na magsagawa ng pag-aaral at magsumite ng mga rekomendasyon kaugnay sa posibilidad na mabuksan at magamit ang Bataan Nuclear Power Plant (o BNPP) sa Morong, Bataan. Bagamat nabanggit sa executive order na susundin daw ng pamahalaan ang pinakamataas na pamantayan ng nuclear safety alinsunod sa international standards, ang muling pagbubukas sa BNPP ay bagay na kinakailangang suriing maigi lalo na’t may epekto rin ito sa tumitinding pagbabago sa klima ng mundo.

Ipinatayo noong rehimeng Marcos, isa ang BNPP sa mga proyektong balót ng korapsyon at kontrobersya. Nagsumite ang Westinghouse Electric ng hindi detalyadong proposal na may halagang 500 milyong dolyar para sa dalawang 620-megawatt reactors o planta. Ngunit nang matapos ng Westinghouse Electric ang pagtatayo sa BNPP noong 1984, umabot sa 2.2 bilyong dolyar ang naging kabuuang gastos upang makapag-generate ng 620 megawatts lang na kuryente. Naging triple ang project cost para sa kalahati ng inaasahang output. Nangyari ito dahil sa overpricing at korapsyon kung saan tumanggap ng 80 milyong dolyar na kickback mula sa proyekto si Marcos. Ilang dekada na ang lumipas mula nang matapos ang proyektong ito ngunit ni minsan ay hindi ito napakinabangan. Tunay nga ang paalala sa Mga Kawikaan 15:27, “Ang gahaman sa salapi ay nauuwi sa kaguluhan…”

Nang maging presidente si Cory Aquino taóng 1986, nagpasya ang kanyang administrasyong hindi patakbuhin ang planta dahil sa mga isyu ng korapsyon at kaligtasan lalo na pagkatapos mangyari ang Chernobyl nuclear fallout sa Russia noong taon ding iyon. Isa rin sa mga naging dahilan para hindi buksan ang BNPP ay ang lokasyon nito na malapit sa fault line at sa Mount Natib na itinuturing na isang potentially active volcano. Pinag-aralan din ng mga sumunod na administrasyon ang pagbubukas sa BNPP, ngunit dahil nga sa pinangangambahang peligrong dulot nito sa tao at kalikasan, hindi na ito pinaandar pa.

Ayon sa grupong Greenpeace, pinakamapanganib at pinakamahal na source ng kuryente ang nuclear power, kaya’t magiging pabigat lamang ito sa mga Pilipino. Malaki rin daw ang posibilidad na magdulot ito ng panganib sa kalusugan, pagkasira ng kalikasan, at kontaminasyon. Kung naghahanap din lang tayo ng tiyak na mapagkukunan ng enerhiya, matagal nang isinusulong ng mga environmental groups ang mga teknolohiyang nakagagawa ng mas malinis na enerhiya o iyong tinatawag na renewable energy.

Mga Kapanalig, tandaan natin ang binigyang-diin ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’ na hindi palaging nakatuon ang agarang pagbabago, katulad ng pagbubukas sa BNPP, sa ikabubuti ng lahat, at sa pangmatagalan at pangkabuuang pag-unlad ng tao. Isang bagay na kanais-nais ang pagbabago, ngunit nakababahala ito kung humahantong ito sa pagkasira ng daigdig at ng kalidad ng ating pamumuhay.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 12,483 total views

 12,483 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 20,468 total views

 20,468 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 28,004 total views

 28,004 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 43,989 total views

 43,989 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 52,033 total views

 52,033 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 12,484 total views

 12,484 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 20,469 total views

 20,469 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 28,005 total views

 28,005 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 43,990 total views

 43,990 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 52,034 total views

 52,034 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,053 total views

 46,053 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,478 total views

 44,478 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,264 total views

 46,264 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,189 total views

 43,189 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,503 total views

 57,503 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,193 total views

 61,193 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,796 total views

 59,796 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,783 total views

 69,783 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,751 total views

 73,751 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,638 total views

 84,638 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top