Pamumuhunan ng Pilipinas sa “nuclear energy”, tinutulan ng makakalikasang grupo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 697 total views

Tinutulan ng mga makakalikasang grupo ang muling pagbuhay sa usapin ng nuclear energy upang pagkunan ng enerhiya ng bansa.

Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order No. 164 o ang pagpapatibay sa tungkulin ng bansa para sa nuclear energy program.

Ayon kay Green Thumb Coalition Convenor Jaybee Garganera, mariing tinututulan ng koalisyon ang pagnanais ng pamahalaan na mamuhunan para sa nuclear energy dahil maliban sa ito ang pinakamahal na mapagkukunan ng kuryente ay magdudulot din ito ng panganib sa mga tao.

“Ang Green Thumb Coalition ay nakikiisa sa pahayag at paninindigan nung ilang miyembro tungkol sa usapin nung nuclear power plant,” pahayag ni Garganera.

Naunang nagpahayag ng pagtutol ang Greenpeace Philippines at nananawagan sa pamahalaan na bawiin ang EO 164.

Sinabi ni Greenpeace campaigner Khevin Yu na ang paglagda sa nasabing kautusan ay isinasawalang-bahala ang kapakanan at panawagan ng bawat mamamayan na magkaroon ng tiyak at ligtas na pagtugon sa krisis sa enerhiya.

“Greenpeace is demanding the Duterte administration to revoke EO 164. We believe it is a treacherous move spurred by misguided interests that are not aligned with the interests of the Filipino people,” pahayag ni Yu.

Iginiit ni Yu na hindi rin naaangkop na mamuhunan ang Pilipinas sa nuclear energy dahil kasalukuyan pa ring lubog sa utang ang bansa at unti-unti pa lamang nakakabalik mula sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Suportado naman ng Simbahan ang panawagan ng mga makakalikasang grupo na itigil na ang pamumuhunan sa maruming enerhiya at sa halip ay paglaanan ng pondo ang renewable energy na matipid, malinis at ligtas para sa kalikasan at mga tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 24,875 total views

 24,875 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 74,889 total views

 74,889 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 70,758 total views

 70,758 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 106,513 total views

 106,513 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 113,723 total views

 113,723 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top