Maging malaya sa pagpili ng ihahalal na lider ng bansa, panalangin ng Arsobispo sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 689 total views

Ang pagsusulong ng common good o kabutihan ng mas nakararami ang pinakamagandang paraan ng pagpapamalas ng patriotism o pagiging makabayan.

Ito ang binigyang diin ni Archdiocese of Palo Archbishop John Du sa kanyang homiliya para sa ika-pitong serye ng novena mass ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa bansa.

Ayon sa Arsobispo, bukod sa pansariling kapakinabangan ay mahalagang isaisip ng bawat botante sa nakatakdang halalan ang kabutihang pangkalahatan at pag-unlad ng bansa sa pagpili ng mga karapat-dapat na ihalal.

“There could be many ways that we could show our patriotism or love of country but patriotism is best express in our promotion of the common good. In this coming election we hope and pray that all of us consider the common good as a foremost concern.” pagninilay ni Archbishop Du

Ipinaliwanag ni Archbishop Du na mahalagang bigyang paggalang ang desisyon at pagpili ng mga botante sa nakatakdang halalan sapagkat sinasalamin nito ang dignidad ng bawat isa.

Umaasa ang Arsobispo na magkaroon ng paninindigan ang bawat isa laban sa iba’t ibang salik na maaaring makaapekto sa kanilang pagpili ng mga kandidato.

Iginiit ni Archbishop Du na dapat na magkaroon ng kalayaan ang bawat isa na pumili ng mga karapat-dapat na mga opisyal batay sa kanilang mga paniniwala at paninindigan at hindi sa impluwensya ng pera o ng sinuman.

“Let us respect one another, our choice wherein our choice we express our dignity as a person, let us not be influence by anything or whatever or being force but given the freedom to make our choice that’s why election day is the time where we exercise our freedom and therefore we should never give in to hatred and rush judgement.” Dagdag pa ni Archbishop Du.

Iginiit ng Arsobispo na mahalagang seryosohin ng bawat isa ang kapangyarihan na bumoto at maghalal ng mga opisyal ng bayan na magsisilbing gabay ang katotohanan at kabutihan na ninanais ng Panginoon.

“Let us seriously think about our right to vote, the freedom to choose who is going to lead our country, let us diligently seek the truth that we may know what is right and avoid evil.” Ayon pa kay Archbishop Du.

Ang PPCRV Prayer Power Campaign 2022 na nagsimula noong ika-9 ng Setyembre, 2021 at magtatagal hanggang sa mismong araw ng halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022 ay naglalayong ipanalangin at hingin ang paggabay ng Panginoon sa matalinong pagboto ng bawat mamamayang Pilipino para sa kinabukasan ng bansa.

Kaugnay nito patuloy namang pagpapaigting ng Simbahan ang voters education campaign tulad ng Catholic E-Forum ng One Godly Vote Campaign ng media arm ng Archdiocese of Manila na layuning tulungan ang mga botanteng kilalanin ang mga kandidato sa nakatakdang halalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 9,134 total views

 9,134 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 76,863 total views

 76,863 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 100,015 total views

 100,015 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 170,130 total views

 170,130 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 244,203 total views

 244,203 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 9,837 total views

 9,837 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top