Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Aquino, pinakikilos sa kaguluhan sa Lanao del Sur

SHARE THE TRUTH

 301 total views

Nanawagan sa pamahalaan partikular na kay Pangulong Benigno Aquino III ang Lanao Institute for Peace and Development Incorporated na agad tugunan ang nagaganap na kaguluhan sa lalawigan.

Ayon sa tagapagsalita nitong si Sowaib Decampong, mga inosenteng sibilyan ang nabibiktima ng kaguluhan at walang katuturang labanan ng militar at mga rebeldeng grupo.

Naninindigan si Decampong na napanahon na upang tunay na bigyang solusyon ang patuloy na kaguluhan na nakakaapekto sa pangkabuuang pamumuhay ng mga mamamayan sa rehiyon ng Mindanao.

“Nananawagan po kami sa Presidente ng Pilipinas, na sana po ay maitigil ang gulo sa aming lugar kasi kawawa ang sibilyan, ang tinatamaaan talaga ay sibilyan kawawa, so nananawagan kami po sa Presidente ng Pilipinas na stop niya ang kaguluhan sa aming lugar…” pahayag ni Decampong sa Radio Veritas.

“Mag-iisang linggo na ang labanan sa pagitan ng mga militar at tinaguriang foreign at localize terrorist organization (FLTO) na nagresulta na sa pagkamatay ng halos 50 indibidwal sa lugar.

Habang tinatayang aabot na sa 7,800 pamilya ang kinailangang lumikas sa mga evacuation centers sa iba’t ibang barangay at munisipalidad sa lalawigan dahil sa nagaganap na kaguluhan. As of 22, may 7,800 families po na evacuees sa ibat ibang municipality at saka barangay na malayo dun sa area ng pinaglalabanan..” dagdag pa ni Decampong.

Noong 2010, naitala sa Mindanao ang 250 pag-atake ng NPA na ikinamatay ng may 300 mga sundalo.

Samantalang batay sa pag-aaral ng Internal Displacement Monitoring Center tinatayang aabot na 1.9 na milyong tao na naapektuhan ng may 40 taon ng kaguluhan at hidwaan sa rehiyon ng Mindanao.

Nasasaad sa katuruan ng Simbahang Katolika, karapatan ng bawat mamamayan ng bawat estado ang pagkakaroon ng isang maayos, pormal at ligtas na lugar na tirahan, malayo sa kapahamakan at kaguluhan.

Kaugnay nito, unang nagpahayag si Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, ng kanyang pagnanais na tutukan ang pagsulong ng kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao, at patuloy na gampanan ang pagiging Peace Advocate sa pamamagitan ng tahimik at payak na paraan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 5,081 total views

 5,081 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 25,004 total views

 25,004 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 31,050 total views

 31,050 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 39,618 total views

 39,618 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 47,677 total views

 47,677 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top