Pangulong Duterte, Dapat maging Ehemplo ng Paggalang at Respeto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 371 total reads

Nararapat na magsilbing Ehemplo ang Pangulo sa pagbibigay ng paggalang at pagrespeto sa paniniwala at pananampalataya ng bawat mamamayang Filipino.

Ito ang binigyang diin ng dating kinatawan ng Pilipinas sa Vatican kaugnay sa patuloy na mga Kontrobersyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa Simbahang Katolika.

Ayon kay Former Ambassador to the Holy See Henrietta T. De Villa na siya ring Pangulo ng Mother Butler Guild, nananatili pa ring palaisipan ang tunay na dahilan ng patuloy na pagkundina at mga pahayag ng Pangulo laban sa Simbahang Katolika.

“Hindi ko naman sinasabing dapat gawin din niya sa ibang relihiyon, pero bakit ang pinag-iinitan niya ay yung relihiyon natin? Huwag naman, huwag naman. Magbigay naman sana ang Presidente ng magandang halimbawa na nirerespeto niya ang relihiyon ng bawat mamamayan at saka ang Diyos, pakitaan naman niya ng paggalang.” pahayag ni De Villa sa panayam sa Radyo Veritas.

Pagbabagi ni De Villa, lubos na nakalulungkot ang mga binitawang salita at pagmumura ng Pangulo sa Panginoon na wala naman aniyang masamang ginawa sa kanya.

Bukod dito, iginiit din ni De Villa na sa kabila ng anumang sama ng loob na maaring mayroon ang Pangulo laban sa Simbahan ay hindi dapat ito na humantong sa pang-iinsulto at pagmumura sa Panginoon.

“Kung meron siyang sama ng loob sa Simbahan huwag naman niyang insultuhin at murahin yung ating Panginoon kasi isipin din niya alam mo nirerespeto ko ang Presidente dahil siya ang ama ng bayan hindi ba. Ang sa akin lang respetuhin din naman niya ang ating Panginoon at saka isipin din niya yung mga boto niya saan ba nanggaling? Nanggaling din sa mga Katoliko,totoo naman yun.” Dagdag pa ni Ambassador de Villa.

Kaugnay nito sa tala ng Philippine Statistics Authority o PSA noong 2011, may limang pangunahing relihiyon sa bansa kung saan tinatayang 82.9 na Porsyento ng kabuuang Populasyon ng Pilipinas ang mga Katoliko; 5.4 na Porsyento ang mga Protestante; 4.6 na Porsyento ang mga Islam; habang may higit sa 2 Porsyento naman ang bahagi ng Philippine Independent Church at Iglesia ni Cristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 65,334 total reads

 65,334 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 113,796 total reads

 113,796 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 161,668 total reads

 161,668 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 265,613 total reads

 265,613 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 348,595 total reads

 348,595 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top