Pangulong Duterte, Tungkuling ipaalam sa mamamayan ang kalagayang pangkalusugan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 457 total reads

Mahalaga ang kalusugan at kalagayan ng punong Ehekutibo bilang pinuno at kinatawan ng bansa sa International Community.

Ito ayon kay Atty. Domingo Callosa ng Integrated Bar of the Philippines base sa inilalahad ng Saligang Batas ng bansa.

Sinabi ni Callosa na nakalahad sa 1987 constitution na kailangang ipaalam sa mamamayan ng isang Pangulo ng bansa ang tunay na kalagayang pangkalusugan kung ito’y malala na.

“Sa ating konstitusyon nakalahad doon na kung saka-sakaling ang kalusugan o kalagayan ng presidente ay nanduon sa punto na hindi na niya kayang gampanan ang kaniyang tungkulin bilang presidente, malinaw ang order ng Constitution na kinakailangan itong ipaalam sa taong bayan,” ayon kay Callosa.

Ipinaliwanag ng eksperto na hindi maaring magkaroon ng puwang ang posisyon sakaling hindi na magampanan ang tungkulin ay awtomatiko itong papalitan ng bise presidente.

“We are entitled to the privacy of our Medical conditions, pero kung humantong na malala na hindi na kayang gampanan ang trabaho niya. Obligasyon na niya, kaniyang Doctor at mga Opisyal ng Malacanang,” ayon pa kay Atty. Callosa.

Ipinaliwanag ni Atty. Callosa na noong panahon ni dating Pangulong Marcos ay itinago sa publiko ang kalagayan ng Pangulo dahilan upang ilagay ang batas sa 1987 Constitution ng Administrasyong Aquino.

Inamin ng Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang iniindang sakit bagama’t itinangging ito ay malala na.

Ang Pangulong Duterte ang ika-16 na pangulo ng bansa at ang kauna-unahang punong ehekutibo na mula sa Mindanao.

Siya rin ang pinakamatandang naupo bilang pangulo ng Pilipinas sa edad na 71.

Sa hiwalay na pahayag, hinikayat ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang Pangulo na gawin ang nararapat at tupdin ang mga binitiwang pangako sa mamamayan dahil ang pagbibitiw ay isang pag-amin ng pagkukulang sa pamamahala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 100,601 total reads

 100,601 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 194,627 total reads

 194,627 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 238,897 total reads

 238,897 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 262,004 total reads

 262,004 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 332,576 total reads

 332,576 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top