Pangulong Duterte, pinayuhang magpatingin sa “pain specialist”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 405 total reads

Nararapat na kumunsulta at magpatingin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang pain specialist upang matulungan sa kanyang idinaraing na sakit.

Ito ang payo ni Dr. Luzviminda Kwong, Pain Management Specialist, Anesthesiologist at dating Presidente ng Pain Management of the Philippines kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos aminin ang nararanasang “perpetual pain” o walang tigil na pananakit sa kanyang gulugod mula ng maaksidente sa motorsiklo.

Ayon kay Dr. Kwong, sadyang mahirap para sa isang indibidwal na kumilos at gumawa iba’t-ibang gawain kung mayroong nararamdamang sakit kaya naaangkop na kumunsulta ang Pangulo sa mga eksperto upang maagapan ang kanyang sakit.

“Ang advice ko nga sana dapat our President should be consulting a pain specialist to help him, para mas maka-function siya kasi parang ang hirap mag-function kapag may masakit pero you have to do it…” pahayag ni Dr. Kwong sa panayam sa Radyo Veritas.

Matatandaang inamin ng Pangulong Duterte ang kanyang pag-inom ng Fentanyl na isang matinding pain killer subalit pinatigil ng kanyang doktor ng malamang dinoble niya ang kanyang prescribe medication.

Ipinaliwanag ni Dr. Kwong na ang Fentanyl ay halos kasing lakas ang epekto sa Morphine na ginagamit sa mga pasyenteng dumaranas ng severe pain tulad na lamang sa mga Cancer patients, mga katatapos lamang na operahan, mga mayroong acute trauma at chronic severe back pain.

“Same thing as Morphine it has a strong opioids but Fentanyl comes in a patch and I.V., so it is use for severe pain like acute trauma, post operative saka yung mga Cancer patients saka yung mga chronic severe back pain ginagamit din yan…” paglilinaw ni Dr. Kwong.

Magugunitang sinabi ng Pangulong Duterte sa mga nakaraang talumpati na ang kanyang pag-inom ng Fentanyl ay upang maibsan ang pananakit sa kanyang spine ng maaksidente sa motorsiklo noong siya ay 68-taong gulang.

Samantala, sa ilalim ng Article 7 ng Saligang Batas, sakaling may karamdaman at hindi na kayang gampanan ng Pangulo ang kanyang tungkulin bilang Punong Ehekutibo ay maaring pumalit ang bise presidente upang gampanan ang tungkulin bilang isang Pangulo.

Dahil dito, mariin ang panawagan ng mga mamamayan at ng iba’t ibang institusyon sa pamahalaan na maging tapat sa tunay na kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Duterte.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan ay mayroong karapatan ang mga mamamayan na malaman ang tunay na katotohanan sa mga isyu at usaping panlipunan sapagkat maaring may direktang epekto ito sa buhay ng bawat mamamayan.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 14,813 total reads

 14,813 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,141 total reads

 17,141 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 3,812 total reads

 3,812 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 85,558 total reads

 85,558 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 179,783 total reads

 179,783 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 240,272 total reads

 240,272 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 253,988 total reads

 253,988 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 14,815 total reads

 14,815 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,143 total reads

 17,143 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »
Scroll to Top