Pangulong Duterte, walang karapatan sa succession sakaling manalong Vice President

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Binigyang diin ng isa sa mga nagbalangkas ng 1987 Constitution na ‘absolute’ ang probisyon na nagbabawal na muling maging pangulo ang isang pangulo ng Pilipinas na nakapaglingkod na ng isang buong termino.

Ito ang ibinahagi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. isa sa 1987 Constitutional framer kaugnay sa planong pagtakbo bilang Vice President ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Ayon sa Obispo, sakaling mang manalo si Pangulong Duterte sa pagka-bise presidente sa susunod na halalan ay mawawalan naman ito ng karapatan para sa ‘succession’ sa katungkulan.

Paliwanag ni Bishop Bacani, kung manalo si Pangulong Duterte bilang Vice President at magkataong may mangyari sa maihahalal na pangulo ng bansa, hindi na maari pang humalili bilang pangulo si Pangulong Duterte sa halip ay ang Senate President na ang magsisilbing successor sa katungkulan.

“The prohibition for a president who serves his full term to hold office again as president is absolute. He can never be president again. Thus if he wins as vice president and the president dies he cannot succeed as president again. The successor will then be the senate president. There is no prohibition for him to run as vice president but if elected he will have no right to succession.” Ang bahagi ng pahayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa panayam sa Radio Veritas.

Una ng nagpahayag ni Pangulong Duterte na ikonsidera siya bilang isa sa kandidato para sa pagka-bise presidente ng bansa para sa susunod na taong 2022, upang maipagpatuloy ang kanyang mga trabahong nasimulan sa pamamahala sa bansa.

Sa ilalim ng Saligang Batas, nasasaad ang pagsisilbi sa loob ng anim na taon o isang termino ng isang Presidente ng bansa at hindi na maaari pang tumakbo para sa panibagong termino ng pagkapangulo.

Gayunpaman, inihayag ng Commission on Elections na walang batas na nagbabawal sa pagtakbo ng isang dating presidente sa iba pang posisyon sa pamahalaan pagkatapos ng kanyang termino na nangyari kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na naging kongresista ng Pampanga.

Sa Oktubre nakatakda ang paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbong sa nakatakdang halalan sa susunod na taong 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 38,405 total reads

 38,405 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 144,261 total reads

 144,261 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 181,048 total reads

 181,048 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 211,624 total reads

 211,624 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 258,503 total reads

 258,503 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top