LASAC, nanawagan ng tulong para sa residenteng apektado ng Taal eruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total reads

Patuloy ang panawagan ng Arkidiyosesis ng Lipa para sa mga lubhang apektadong residente ng pagliligalig ng Bulkang Taal.

Ayon kay Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) Director, Fr. Jayson Siapco, hindi kailangan ang sobra upang makatulong, bagkus, anumang uri ng pagmamalasakit ay malaki ang maidudulot na epekto sa mga higit na nangangailangan basta’t ito’y bukal sa kalooban.

“Hospitality is not giving so much. It is giving you can and what you have,” ayon kay Fr. Siapco.

Kaugnay nito, hinihikayat ng Arkidiyosesis ang pagbubukas ng mga kinasasakupang Katolikong paaralan at simbahan upang maging pansamantalang evacuation centers.

Ito’y bunsod ng patuloy na pagdami ng bilang ng mga nagsisilikas kada araw, kung saan nagdudulot na ito ng pagsisiksikan at pahirapang pagpapatupad ng ilang COVID-19 health protocols sa evacuation centers.

Lubha ring ikinababahala ng simbahan ang kaligtasan dito ng mga babae at kabataan dahil sa ulat na magkahalo ang palikuran o comfort room ng babae at lalaki na karamiha’y mga menor de edad.

Dahil dito, hinihiling ang pagtatayo at paglalaan ng ‘safe spaces for women and for children’ upang higit na maging maayos at ligtas ang evacuation centers para sa kanila.

Samantala, naitala naman simula kaninang alas-dose ng madaling araw ang 26 na malalakas na paglindol sa Bulkang Taal kaugnay ng matitinding pag-usok at steaming sa Main Crater Lake, indikasyon na anumang oras ay muling puputok ang bulkan, katulad ng nangyari noong unang araw ng Hulyo.

Naitala rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang 22,628 tonelada kada araw ng sulfur dioxide emission mula sa Bulkang Taal nitong Linggo, ang pinakamataas na antas kumpara sa mga ibinuga ng bulkan nitong nakaraang mga araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 72,204 total reads

 72,204 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 112,763 total reads

 112,763 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 136,450 total reads

 136,450 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 184,718 total reads

 184,718 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 204,004 total reads

 204,004 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 131,059 total reads

 131,059 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top