Panuntunan ng IATF, mahigpit na sinusunod ng Diocese of Imus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 564 total views

June 15, 2020, 10:15AM

Tiniyak ng Diocese of Imus ang pagtalima sa mga panuntunan na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) kaugnay sa pagsasagawa ng banal na pagdiriwang sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

Ayon kay Imus Bishop Reynaldo Evangelista na siya ring chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, mahigpit na sinusunod ng mga Simbahan sa buong diyosesis ang panuntunan na tanging 10-indibidwal lamang ang maaring dumalo sa pagsasagawa ng mga banal na pagdiriwang at pagsunod sa mga safety health protocols.

Ipinatutupad rin ang naturang panuntunan maging sa pagsasagawa ng mga sakramento sa Simbahan tulad ng Binyag at Kasal kung saan hindi maaring magkaroon ng pagtitipon.

Umaasa naman si Bishop Evangelista na sa tulong, awa at biyaya ng Panginoon ay bumuti na ang sitwasyon sa bansa mula sa pandemya at maibaba na sa Modified General Community Quarantine ang lalawigan ng Cavite.

“Sumusunod kami dito sa diocese sa I-A-T-F Guidelines na hanggang 10-katao ang ina-allow sa GCQ kaya yun lang ang aming ina-allow din sa mga Simbahan, may ilang mga nagpapa-binyag pero hindi pwedeng maramihang binyag na masyadong maraming tao paisa-isa lang ang nagpapa-binyag, meron ding kasal basta 10 people ang nandito at yun naman talaga ay allowed at nakakasunod kami sa guidelines at hopefully sa tulong ng awa at biyaya ng Diyos makatawid na sa Modified General Community Quarantine dun ina-allow ang 50-percent ng attendance sa mga Simbahan…”pahayag ni Bishop Evangelista sa panayam sa Radyo Veritas.

Ang Diocese of Imus ay binubuo ng 87 mga parokya na gumagabay sa may 3-milyong mananampalatayang Katoliko sa diyosesis.

Samantala muli ring umapela sa IATF si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo upang suriin ang pagpapahintulot sa mas maraming mananampalataya na makadalo sa mga banal na pagdiriwang mula sa kasalukuyang panuntunan na 5 hanggang sa 10-katao lamang.

Read: https://www.veritas846.ph/obispo-hiniling-sa-pangulong-duterte-na-payagan-na-ang-pagdiriwang-ng-religious-services/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 156,627 total views

 156,627 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 186,850 total views

 186,850 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 213,496 total views

 213,496 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 308,469 total views

 308,469 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 319,285 total views

 319,285 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top