Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Papal Nuncio, nanawagan sa mamamayan na isabuhay ang pagkakawanggawa

SHARE THE TRUTH

 492 total views

Tuwinang nangunguna sa pagtulong sa mga nangangailangan ang charity organizations ng simbahan maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ang binigyan diin ni Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa isinagawang Alay Kapwa Telethon ng Caritas Manila katuwang ang Radio Veritas ang media arm Archdiocese of Manila.

Hinihikaya’t din ni Archbishop Brown ang mananampalataya na makiisa at makibahagi sa telethon para sa mga mahihirap na pamayanan lalo na ang mga biktima ng kalamidad.

“From the very beginning we as Christians trying to help one another and help our less fortunate brothers and sisters to acts of charity. I know that Caritas Manila is having their telethon today, I will certainly encourage everyone to be as generous as possible,” ayon kay Archbishop Brown.

Giit pa ng arsobispo na ang sama-samang pagtulong ay bahagi rin ng kristiyanong pananampalataya ang pananagutan sa mga nangangailangan.

Bukod sa Caritas Manila, Caritas Philippines, ilang pang kaanib na miyembro ng Caritas Internationalis ang nangunguna sa pagsaklolo sa mga nangangailgnan.

“In Manila, in the Philippines, and throughout the entire world, Caritas was absolutely the first to help on the ground in many cases with respect to typhoon Odette. I saw that when I was there in Siargao,” dagdag pa ng kinatawan ng Vatican.

Ang Caritas Manila ay ang social aram ng Archdiocese of Manila, habang ang Caritas Philippines ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ay bahagi ng 160 bansang ng Caritas Internationalis na kasalukuyang pinangungunahan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle-na siya ring Prefect of the Dicastery of Evangelization of People’s.

Inihayag ni Archbishop Brown na bukod sa pananalangin, at pag-aayuno ay mahalagang makibahagi ang bawat isa sa pagkakawanggawa bilang bahagi ng paghahanda ng sambayanang kristiyano sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Paliwanag pa ng nuncio, pangunahing pinaghahandaan ng simbahan sa kwaresma at Mahal na Araw ang kagalakan sa muling pagkabuhay ni Hesus dahil sa kaniyang paglalaan ng buhay sa pagtubos ng kasalanan ng sangkatauhan.

Bilang pakikiisa at munting pagsasakripisyo sap ag-ibig ng Diyos ay ang pagtulong sa mga higit na nangangailangan.

Paliwanag pa ni Archbishop Brown, “Everything that we have, that we possess is a gift from God. It’s God’s gracious presence in our lives that gives us material goods and we should proud to share that with others, to help others.”

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 123,283 total views

 123,283 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 131,058 total views

 131,058 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 139,238 total views

 139,238 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 154,037 total views

 154,037 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 157,980 total views

 157,980 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 8,039 total views

 8,039 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte got what he wanted

 13,035 total views

 13,035 total views Matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC), sinabi ng isang opisyal ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 13,035 total views

 13,035 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top