Mamamayan, pinaalalahanan ng Obispo na huwag maging kampante sa banta ng COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 737 total reads

Hinikayat ng Diocese of Baguio ang mananampalataya na kasabay ng pananalangin at pagninilay ngayong Semana Santa ay patuloy pa ring sundin ang mga minimum health protocols laban sa COVID-19.

Batid ni Baguio Bishop Victor Bendico na nananabik ang mga tao dahil makalipas ang dalawang taong pagsasara ng mga simbahan dulot ng pandemya ay muli nang makakapagsagawa ng mga pampublikong pagdiriwang sa mga simbahan ngayong Mahal na Araw.

“This is really a period na tayo ay nagbabalik na naman ulit sa pinakaimportanteng semana ng buong taon. I know na this is something that the people have been looking forward dahil bumaba na nga ‘yung alert level,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Kasunod din ito ng panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na pahintulutan na ang 100-percent capacity sa pagsasagawa ng religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1.

Ikinatuwa naman ni Bishop Bendico na sa Our Lady of the Atonement Cathedral o Baguio Cathedral ay makikita ang pagdagsa ng mga mananampalataya upang magsimba gayunman hindi na nasusunod ang social distancing.

Kaya paalala ng obispo na mabuting ipagpatuloy pa rin ang pagsusuot ng mga face mask at paggamit ng alcohol bilang proteksyon sa banta ng COVID-19.

Nauna rito ay nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko para sa paggunita ng Semana Santa na huwag pa rin maging kampante dahil nananatili pa rin sa paligid ang banta ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 61,340 total reads

 61,340 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 140,323 total reads

 140,323 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,768 total reads

 173,768 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 209,066 total reads

 209,066 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 433,126 total reads

 433,126 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,336 total reads

 157,336 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top