502 total views
Kinilala ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas ang malaking papel na ginagampanan ng Radio Veritas bilang Radyo ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Ebanghelisasyon sa loob ng 52 taon.
Ayon kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown D.D., biniyayaan ng Panginoon ang himpilan ng pambihirang misyon na maging katuwang sa pagpapalaganap ng Mabuting Salita ng Diyos para sa mas nakararami.
Ibinahagi ni Archbishop Brown ang kamangha-mangha at maalab na pagsasakatuparan ng himpilan sa pagpapahayag ng katotohanan at pag-asa na hatid ng Panginoon para sa bawat isa.
“For me as a representative of Pope Francis here in the Philippines it gives me great pleasure to congratulate all of you on 52 years of faithful evangelization, you are gifted to give and you are giving through your mission of evangelization, you are engaged in proclamation and this is so beautiful.” pahayag ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown D.D. kaugnay sa anibersaryo ng Radio Veritas.
Paliwanag ng nuncio, maituturing na isang tunay na saksi ang himpilan ng Radio Veritas sa katotohanan na hatid ni Hesukristo para sa sanlibutan kung saan sa pagsisilbing Radyo ng Simbahan sa loob ng 52-taon ay nagkakaroon ng daan ang bawat mananampalataya upang ganap na masaksihan ang biyaya ng Panginoon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Ebanghelyo at kagandahan ng pananampalatayang Kristiyano.
“We also celebrate 52 years of Radio Veritas, 52 years of communication, 52 years of proclamation of the message of Christ, we only have access to the event of Christ through the proclamation and what Radio Veritas Asia and what Radio Veritas 846 does is become a witness to the truth of Christ, a witness to the beauty of Catholic life, a witness that is heard throughout Asia and especially here in the Philippine island.” Dagdag pa ni Archbishop Brown.
Binigyang diin rin ng arsobispo ang napapanahong pagdiriwang ng buong Simbahan sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng himpilan na nagsisilbing kamangha-manghang daluyan ng Mabuting Salita ng Diyos para sa mas nakararami.
“It gives me tremendous joy to celebrate this Easter Sunday with all of you on this 52nd Anniversary of the Foundation of this wonderful, means of social communication, this wonderful transmitter of the Gospel of Jesus Christ.” Ayon kay Archbishop Brown.
Pinangunahan ng arsobispo ang pagdiriwang sa ika-52 anibersaryo ng Radio Veritas 846 sa pamamagitan ng isang banal na misa na isinagawa sa Our Lady of Veritas Chapel katuwang sina Rev. Fr. Victor Sadaya, CMF – General Manager ng Radio Veritas Asia at Rev. Fr. Roy Bellen – Vice President for Operations ng Radio Veritas 846.