Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Radio Veritas, kinilala ng Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

 444 total views

Pinuri ng Archdiocese of Manila ang pagsisilbi ng Radio Veritas 846 bilang Radyo ng Simbahan sa loob ng 52-taon lalo na sa gitna ng pandemya kung saan higit na kinakailangan ng Simbahan ng katuwang sa pagbabahagi ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, mahalaga ang papel na ginagampanan ng himpilan upang makapagpalakas ng loob ng marami sa pamamagitan ng pagiging daluyan ng pag-asa na hatid ng Panginoon para sa lahat.

Paliwanag ng Obispo, sa pagsasahimpapawid ng Mabuting Balita ng Panginoon gamit ang iba’t ibang mga programa at banal na misa ay hindi lamang nakapaglilingkod ang Radio Veritas sa bayan kundi maging sa Diyos bilang katuwang ng Simbahan sa pagbabahagi ng Ebanghelyo sa mas nakararami.

“tayo ngayon ay nasa 52nd anniversary na ng Radio Veritas, malaki po ang paglilingkod ng Radio Veritas lalong lalo na ngayong panahon ng pandemic. Marami po ay nakakatanggap ng Mabuting Balita, marami po ay napapalakas ang kanilang loob at marami po ay napapalapit din sa mga ngangangailang, marami po tayong natutulungan sa pamamagitan ng Radio Veritas kaya congratulations Radio Veritas sana ay ipagpatuloy ang paglilingkod, paglilingkod sa bayan at paglilingkod sa Diyos.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Broderick Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Umaasa naman ang Obispo sa patuloy na paglilingkod ng Radio Veritas bilang Radio ng Simbahan at daluyan ng katotohanan na hatid ng Panginoon para sa bawat isa. Hinihikayat naman ni Bishop Pabillo ang bawat mananampalataya na patuloy na subaybayan at suportahan ang mga programa at misyon ng himpilan para sa paghahayag ng katotohanan at mga turo ng Simbahan.

“Patuloy sana ang Radio Veritas sa kanyang paglilingkod at patuloy din nating subaybayan, pakinggan at suportahan ang Radio Veritas ito po’y Radyo ng Simbahan kaya ang Simbahan naman talaga ang susuporta sa kanyang mga programa kaya patuloy po tayong palaganapin po natin itong ating radyo para makatulong tayo sa isa’t isa.” Apela ni Bishop Pabillo.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,009 total views

 5,009 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,596 total views

 21,596 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 22,965 total views

 22,965 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,641 total views

 30,641 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,145 total views

 36,145 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 3,224 total views

 3,224 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 28,451 total views

 28,451 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 29,136 total views

 29,136 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top