Papasukin si Hesus sa ating mga puso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 668 total views

Ito ang hamon ni CBCP Episcopal Commission on the Laity at Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo sa mga mananampalataya sa pagdiriwang ng kapanganakan ng Panginoong Hesukristo.

Ayon sa Obispo, tunay lamang na magiging makabuluhan ang pasko kung hahayaan ng tao na pumasok si Hesus sa ating mga tainga sa pamamagitan ng kanyang salita, sa ating mga mata sa pagbabasa ng bibliya at sa pintuan ng mga labi sa pamamagitan ng banal na komunyon.

“Maraming nagdiriwang ng pasko na wala si Hesus. Wala man lang dasal, wala man lang panalangin tungol kay Hesus. Nagdiriwang tayo ng Kanyang birthday na ang birthday celebrant ay hindi narerecognize. Ngunit si Hesus hanggang ngayon ay gusto N’yang pumasok sa atin, so sana papasukin natin S’ya,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Sinabi ni Bishop Pabillo na ang pasko isang pagkakataon upang magnilay sa mga nagyayari sa lipunan at pairalin ang pagmamahalan na unang ipinaramdan ng dakilang tagapagligtas ng sangkatauhan.

Kaugnay nito ay umaasa si Bishop Pabillo na hindi matatapos ang diwa ng kapaskuhan kundi ay magtutuloy-tuloy pa sa mga araw, buwan at taon na magdaraan.

Pinayuhan naman ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani ang taumbayan na magpasakop sa kapangyarihan ng Panginoon.

Naniniwala ang Obispo na magiging maganda ang kahihinatnan ng lahat ng bagay kung susundun lamang ng tao ang kagustuhan ng Diyos at hindi ang idinidikta ng isip o sinasabi ng kapwa.

Tiwala rin si Bishop Bacani na tanging si Hesus lamang ang makapagbibigay ng inaasam na katarungan, kaligtasan at buhay na walang hanggan na kanyang ipinangako sa sanlibutan.

“Ang mga tao ay pwedeng maging masama at pwede tayong gawan ng masama ngunit ito po ang tinitiyak ko sa inyo, na ang Diyos na mapagmahal at makapangyarihan sa lahat ay Siya na ring aayos sa sinyong buhay at magbibigay ng katarungan lalo’t higit ng Kanyang awa. Huwag po tayong bibitiw sa Diyos,” panawagan ng Obispo.

Bagamat iba’t ibang mga suliranin ang sumubok sa
katatagan ng Pilipinas sa nagdaang taon, 77-porsiyento pa rin ng mga Filipino ang kumpiyansa na magiging masaya ang kanilang christmas season base sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations.

Kasabay ng pag-aalay ng pasasalamat sa pagdating ng Panginoon sa daigdig, una nang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagiging pastol na naghahatid ng pag-asa at bagong buhay sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 44,921 total views

 44,921 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 40,790 total views

 40,790 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 76,992 total views

 76,992 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 85,753 total views

 85,753 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 111,256 total views

 111,256 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 79,957 total views

 79,957 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 270,408 total views

 270,408 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top