VeritasPH

The Word, The Truth

Para kanino ang kaunlaran?

SHARE THE TRUTH

 345 total views

Mga Kapanalig, alam niyo bang ang coastal zone o baybaying-dagat ang pinakamayamang bahagi ng dagat? Dito kasi matatagpuan ang mga coral reefs, seagrass, at mangroves o bakawan, kung saan nanganganak ang iba’t ibang uri ng isda at iba pang lamang dagat. Kaya naman, dito rin umaasa ang mga tao para sa kanilang pagkain at kabuhayan. Ang pagiging sagana sa sari-saring uri ng isda at lamang-dagat sa baybaying-dagat ay naiuugnay sa kalagayan ng coastal ecosystem. Ngunit sa panahon ngayon, nagiging banta sa kalagayan ng karagatan at baybayin ang mga gawain ng mga tao.

Kasabay ng pagdiriwang ng Laudato Si’ Week noong isang linggo, lumabas ang balita tungkol sa reclamation o pagtatambak ng lupa sa baybaying-dagat sa bayan ng Coron, Palawan. Dinarayo ang Coron ng mga turista dahil sa malinis na dagat, sikat na mga diving spots, at magandang tanawin nito. Ngunit sa litratong ibinahagi ng Sagip Coron Movement sa social media, makikita ang malaking pagkakaiba mula 2013 hanggang 2021. Noong 2013, kita pa ang nasa 50 ektaryang kulay asul na dagat, pero noong 2021, napapalibutan na sila ng kulay putik na graba. Kasama sa larawan ang bahagi ng Mount Tapyas, isang sikat na tourist destination, na kinakalbo na o ginawang quarry at ito ang ginamit na panambak sa reclamation area na planong pagtayuan ng mga hotel, condominium, at shopping centers. Kinansela man ng Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ang Environmental Compliance Certificate (o ECC) ng proyekto, huli na ang lahat. Ayon sa grupong Sagip Coron, walang naging pagbabantay ang DENR sa ginawang reclamation project.

Kailangan nating tingnan nang mas malalim ang mga proyekto ng gobyerno na sinasabing para sa pag-unlad, pagpapaganda, at pagsasaayos o pagpapabuti ng bansa. Ilan sa mga halimbawa nito ang kontrobersyal na Kaliwa Dam, Manila Bay rehabilitation, Pasig River Expressway, at kaliwa’t kanang mga minahan. Sinasabing kaunlaran at progreso ang dulot ng mga proyektong ito, ngunit kung susuriing mabuti at kung makikinig sa mga taong maaapektuhan ng mga proyektong ito, malalaman nating mayroong problema ang mga ito.

Kapag kinakalbo ang bundok upang may maipantambak sa dagat, ang mga residente ang napeperwisyo at nawawalan ng bahay at buhay sakaling magkaroon ng landslide. Sila ang nagkakasakit dahil sa kemikal na nanggagaling sa mga minahan. Ang mga katutubo ang nawawalan ng lupaing ninuno. Ang mga magsasaka ang nawawalan ng hanapbuhay sa tuwing ginagawang subdivision ang mga lupang sakahan. Ang mga mangingisda ang nawawalan ng pagkain at kita sa tuwing tinatambakan ng lupa ang dagat. Kung ito ang kapalit ng sinasabing kaunlaran, sinu-sino nga ba talaga ang tunay na umuunlad at umaasenso? Salungat ang mga ito sa ipinapaalala sa atin sa Kawikaan 31:9 na “ipagtanggol ang karapatan ng mga mahihirap at nangangailangan.”

Sa prinsipyo ng Catholic social teaching na tinatawag na “integral human development,” itinuturo ng Simbahang Katolika na dapat palaging kasama ang mahihirap sa daan tungo sa kaunlaran. Gaya ng sabi sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si’, ang layunin ng mabilis at tuluy-tuloy na pagbabago at kaunlaran ay hindi laging nakatuon sa ikabubuti ng lahat at sa pangmatagalan at ganap na pag-unlad ng tao. Aniya, ang pagbabago ay isang bagay na kanais-nais, ngunit nakababahala ito kung humahantong sa pagkasira ng daigdig at sa kalidad ng pamumuhay ng maraming tao.

Kaya mga Kapanalig, kailangan nating maging mulat at maglakas-loob na ituring na sariling pagdurusa ang nangyayari sa mundo nang sa ganoon ay matuklasan natin kung anu-ano ang magagawa ng bawat isa sa atin tungkol dito. Ngunit maliban sa indibidwal na pagkilos, mas kailangan nating bantayan ang pamahalaan, lalo na ang mga bagong halal na opisyal ng gobyerno, sa mga isyung pangkalikasan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 5,476 total views

 5,476 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 13,461 total views

 13,461 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 20,997 total views

 20,997 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 36,983 total views

 36,983 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 45,027 total views

 45,027 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 5,477 total views

 5,477 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 13,462 total views

 13,462 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 20,998 total views

 20,998 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 36,984 total views

 36,984 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 45,028 total views

 45,028 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,497 total views

 45,497 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,922 total views

 43,922 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,708 total views

 45,708 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,633 total views

 42,633 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,947 total views

 56,947 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,637 total views

 60,637 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,240 total views

 59,240 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,227 total views

 69,227 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,195 total views

 73,195 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,082 total views

 84,082 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top