Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 533 total views

Homiliya para sa Ika-16 na Linggo ng Karaniwang Panahon, 23 Hulyo 2023, Mat 13:24-43

Wala daw itinanim ang may-ari ng sakahan sa kuwento ni Hesus kundi mabuting binhi. Pero nang umusbong ang mga ito at magsimulang magbunga, lumitaw rin ang mga masamang damo. At nang ipaalam ito sa may-ari, mabilis niyang natukoy kung ano ang pinagmulan nito: “Nasalisihan tayo ng kaaway.”

Sino ang tinutukoy niyang kaaway? Bakit alam niyang kaaway ang may kagagawan nito? Ano ang pamamaraan ng kaaway? Dalawang pamamaraan ang bigyan natin ng pansin sa ating pagninilay: Una, ang kaaway mahusay humanap ng pagkakataon. Pangalawa, magaling siyang kumilos sa pamamagitan ng maliliit na bagay o mga bagay na ipinagwawalang-bahala natin.

Sa unang talinghaga, ayon sa kuwento, nasalisihan sila ng kaaway habang natutulog at walang nakabantay. Ganyan kung kumilos ang diyablo. Sinasamantala ang pagkakataon para gawin ang kanyang masamang balak na pasalisi at walang nakakapansin.

Naalala ko tuloy iyung gabi bago inaresto si Hesus sa Bundok ng Olibo, sa hardin ng Gethsemane. Sinabihan daw niya ang tatlong alagad na kasama niya—sina Pedro, Santiago at Juan na manatiling gising at magbantay. Pero nakatulog sila. Tatlong beses silang binalikan pero kahit paulit-ulit silang pinaalalahanan, lagi silang nakakatulog.

Wala namang masama sa pagtulog, lalo’t kapag pagod ang tao. Pero kung security guard ka at trabaho mo ang magbantay, inilalagay mo sa panganib ang binabantayan mo kapag tinulugan mo ang pagbabantay. Ito ang unang dapat tandaan tungkol sa pamamaraan ng kaaway. Lumulusob siya kapag kampante ka at hindi nakabantay. Kumbaga sa virus, umaatake kapag mababa ang resistensya ng katawan. Ganyan din ang dimonyo. Mahusay tumyempo.

Kaya siguro nasabi ni Hesus sa mga alagad, sa Mk 14:38, “Magmanman kayo at manalangin para hindi kayo matalo sa pagsubok. Kung minsan sang-ayon ang espiritu ngunit mahina ang laman.” Kung kailangan ng katawan ng pagsasanay para maging malakas, ganyan din sa kaluluwa. Ang sanay sa pananalangin at pangingilatis ay hindi kaagad mapapabagsak ni Satanas.

Dumako na tayo ngayon sa pangalawang paraan na madalas ding gamitin ng diyablo at dapat nating tandaan para maiwasan ang pagkahulog sa bitag ng kaaway: huwag ipagwalang-bahala ang mga maliliit na bagay. May dalawa pang karugtong na talinghaga sa mas mahabang version ng ebanghelyo: ang butil ng mustasa at ang lebadura. Ang mustasa pala noong panahong iyon ay tinuturing din na parang masamang damo. Ang problema, porke’t maliit lang ang mga buto nito, aakalain mo na wala namang perwisyong pwedeng idulot. Mali. Kahit isang binhi lang ang tumubo at mamulaklak at magbunga, libo-libong mga binhi ang pwedeng ilabas nito. Hindi lang pamumugaran ng mga ibon ang mustasa. Pag kinain ng mga ibon ang mga binhi nila, ikakalat nila ang mga ito kung saan saan hanggang sa di mo na masupil ang pagdami nila. At aagawin ng mga ito ang sustansya ng lupa na parang masamang damo rin.

Ganoon din sa lebadura. Ano nga ba naman ang magagawa ng kakarampot na lebadura? Ay malaki. Mapapaalsa nito ang buong masa ng harina. Huwag mong maliitin, matindi rin siya kung tumrabaho, tulad ng diyablo. Ganyan ang kasamaan sa mundo. Mahusay tumrabaho sa pamamagitan ng akala natin ay maliliit at walang kuwentang bagay. Kaya siguro nasabi minsan ni Hesus, “Mag-iingat kayo sa lebadura ng mga eskriba at Pariseo.”

Isa sa mga paborito kong libro tungkol sa pag-unawa sa mga pamamaraan ng diyablo ay isinulat ni CS Lewis, and “Screwtape Letters”. Si Satanas daw ay nagpakadalubhasa sa pag-unawa sa human psychology. Siyempre dahil misyon niya ang mapabagsak tayo, alam niyang samantalahin ang mga kahinaan natin. Minsan ikukundisyon niya tayo na masanay sa masamang gawain sa pamamagitan ng pagwawalang bahala maliliit na kasalanan (venial sins).

“Konting kasinungalingan lang naman, konting pangungupit, konting kaharutan, konting tsismis.” Minsan mangangatuwiran pa nga tayo nang ganito, “Hindi naman ako pumapatay o nagnanakaw.” Sa di mo nalalaman, ang tinatawag mong maliliit na kasalanan ay nagiging “pattern of behavior” na; nakakasanayan o nagiging kalakaran. Kaya siguro nasabi minsan ni Hesus, “Ang hindi mapagkatiwalaan sa maliit na bagay ay hindi rin pagkakatiwalaan sa mas malalaki.” Lahat ng malaki ay nagsimula sa maliit.

Simple lang ang punto ni Hesus sa talinghaga. Ang kaaway na tinutukoy niya ay hindi kapwa-tao kundi si Satanas; siya lang naman ang itinuro sa atin na itakwil, di ba? Sabi ni San Pablo, “Hindi laman at dugo ang kaaway natin sa mundo.” (Efeso 6:12) Ibig sabihin, walang binhi ng masamang damo na galing sa Diyos. Walang likas na masamang tao dito sa mundo, kahit lahat ng tao may kakayahang makagawa ng masama. Ang mabuting binhi at masamang damo sa kwento ay hindi tungkol sa labanan ng mabuti at masamang tao. Ang tinutukoy niyang labanan ay labanan ng kabutihan at kasamaan na pwedeng mangyari sa ating lahat, sa lahat ng tao at sitwasyon. Laging may tensyon o tunggalian sa pagitan ng Diyos na nagtatayo ng kanyang kaharian at kay Satanas na sumasabotahe sa plano ng Diyos.

Lahat tayo ay pwedeng saniban at paglaruan ng diyablo. Kaya dapat lang na tayo’y maging mahabagin kahit sa mga nakakasakit sa atin. Laging isaisip— “baka may pinagdadaanan, baka wala sa sarili, baka napo-possess…”.

Tandaan, kahit matalino ang dimonyo, di hamak na mas matalino ang Diyos. At dahil tayo ay nilikha sa wangis niya, pwede rin tayong umunlad sa espiritwal na talino kung magsasanay tayo.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,010 total views

 6,010 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,150 total views

 19,150 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 25,123 total views

 25,123 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 30,878 total views

 30,878 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 38,140 total views

 38,140 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 886 total views

 886 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 887 total views

 887 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,641 total views

 3,641 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,056 total views

 8,056 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,382 total views

 3,382 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,905 total views

 3,905 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,404 total views

 5,404 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,248 total views

 6,248 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,503 total views

 4,503 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,716 total views

 8,716 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,948 total views

 7,948 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,158 total views

 12,158 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,606 total views

 5,606 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,610 total views

 5,610 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,610 total views

 5,610 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top