Paraan ng paghahanda sa kalamidad at sakuna, ibinahagi ni Bishop Baylon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 836 total reads

Ibinahagi ni Legazpi Bishop Joel Baylon, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang kagyat na pamamaraan ng lokal na pamahalaan sa Bicol region at diyosesis bilang paghahanda sa mga sakuna at kalamidad.

Ayon kay Bishop Baylon, una nilang inihahanda ang mga evacuation centers para sa mga maapektuhan ng anumang kalamidad.

Partikular na tinukoy ni Bishop Baylon ang pagpapatayo at pagtatalaga sa rehiyon ng mga evacuation centers na tutuluyan ng mamamayan sa oras ng mga kalamidad at sakuna.

“We have learned to develop a method na ganito as soon as [may mangyaring kalamidad o sakuna] may evacuation center kaagad and in fact maraming municipalities ngayon and cities who have already built evacuation centers para may pupuntahan kaagad itong mga families [na maapektuhan] lalong lalo na kapag bagyo.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Ibinahagi ni Bishop Baylon ang kanilang kagyat na pamamaraan matapos ang phreatic eruption ng Bulkang Bulusan.

Sa online program ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na may titulong “Narito Ako, Kaibigan Mo!”, inihayag ni Bishop Baylon na hindi naramdaman sa Alba yang naganap na phreatic eruption ng bulkan noong Linggo ika-5 ng Hunyo, 2022.

Ayon sa Obispo, bukod sa simoy ng hangin ay aabot din sa mahigit 50-kilometro ang layo ng Legazpi, Albay sa bulkang Bulusan na matatagpuan naman sa Sorsogon.

“We hardly felt it itong pagsabog ngayon ng bulkan [Bulusan] kasi siguro nasa mga more than 50-kilometers din ang layo ng Bulusan sa amin.” pahayag ni Bishop Baylon.

Batay sa monitoring ng Caritas Sorsogon, tinatayang nasa 45 pamilya o mahigit sa 150 indibidwal ang lumikas sa mga evacuation center sa bayan ng Juban matapos maapektuhan ng phreatic explosion ng bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Sa kasalukuyan nakataas pa din sa ang alert level 1 sa bulkang Bulusan kung saan patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometers permanent danger zone at pinag-iingat din ang mga residente sa paligid.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 25,098 total reads

 25,098 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 123,550 total reads

 123,550 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 167,819 total reads

 167,819 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 190,928 total reads

 190,928 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 264,778 total reads

 264,778 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top