Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pardon kay Palparan, Babantayan ng mga human rights group

SHARE THE TRUTH

 244 total views

Inihayag ng dating Opisyal ng Pamahalaan ang pagbabantay ng mga Human rights group sa tuluyang pagpapataw ng habang buhay na pagkabilanggo kay Retired Army Major General Jovito Palparan at dalawa pang Army Officials.

Kaugnay ito sa kaso ng pagkawala ng dalawang Estudyante ng University of the Philippines na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan 12 taon na ang nakakalipas.

Ayon kay dating Anakpawis Representative at Deparment of Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, masusing binabantayan ng human rights group ang pinangangambahang pagbibigay ng pardon sa kilalang Heneral na itinuturing na “Berdugo” ng mga nagsusulong sa karapatang pantao sa bansa.

“Ang binabantayan ngayon ay yung hindi kaya bibigyan ng pardon si Palparan, palagay ko po ay napakalakas ngayon palang ay tumututol na ang lahat ng mga human rights advocates and human right defenders na bigyan ng pardon si Palparan.” pahayag ni Mariano sa panayam sa Radyo Veritas.

Giit pa ng dating Opisyal, ang naging hatol kay si Palparan ay hindi lamang patunay sa kanyang pagiging guilty sa pagkawala ng 2-estudyante ng UP kundi maging sa lahat ng mga nawala at napaslang sa mga lugar kung saan siya nadestino sa bansa.

“Maituturing nating isang welcome na resulta yung naging verdict kay Heneral Palparan, diba yung kaso 12-taon din yun na kaso ay kidnapping and serious illegal detention at masasabi nating yung verdict na yun ng guilty si Palparan ay nagpatotoo lang na talagang siya ay may sala at malalakas ang ebidensya at testimonya ng mga testigo laban sa kanya…”  pahayag ni Ka Paeng sa Radio Veritas

Makalipas ng 12-taon ay guilty ang naging hatol ng Malolos Regional Trial Court kay Palparan at dalawa pang army officials kaugnay sa pagkawala nina Empeno at Cadapan noong 2006 na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan.

Kasama sina Lt. Col. Felipe Anotado at Staff Sgt. Edgardo Osorio ay hinatulan si Palparan ng habang buhay na pagkabilanggo dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention kina Empeno at Cadapan.

Sa ilalim ng desisyon ni Malolos Regional Trial Court (RTC) Judge Alexander Tamayo ay ipinag-utos ng hukom na ilipat na sa New Bilibid Prison ang tatlong akusado mula sa kanilang Custodial Center sa Fort Bonifacio.

Naunang nanawagan at umapela ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga prosecutors at mga hukom na manatiling matibay sa pagpapairal ng batas at katarungang panglipunan maging sa mga nagkasala.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anong solusyon sa edukasyon?

 8,668 total views

 8,668 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Dadanak ang dugo?

 17,108 total views

 17,108 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 5:5-7, kinasusuklaman ng Diyos ang mga mamamatay-tao, manlilinlang, at sinungaling. Ang ating Panginoon ay Diyos ng katotohanan

Read More »

ICC TRIAL

 33,255 total views

 33,255 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 41,389 total views

 41,389 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 48,472 total views

 48,472 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 3,872 total views

 3,872 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 4,732 total views

 4,732 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top