Buy and Trade fair ng Caritas Margins, Oportunidad sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 634 total reads

Tulungan ang mamamayan sa paghahanapbuhay.

Ito ang layunin ng Caritas Margins, isa sa mga programa ng Caritas Manila, social action arm ng Archdiocese ng Manila upang matugunan ang pangangailangan ng mga maliliit na negosyante sa bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas, mahalagang suportahan ang mamamayan para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin.

“Nawa matulungan natin sila [small-medium enterprise] na lumaki ang kanilang income at makalaya sa kahirapan.” bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng pari na bagamat lahat ng mamamayan ay apektado ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) law dapat patuloy ang lahat sa pagkilos at palalakasin ang pagnenegosyo kahit sa maliliit na pamamaraan.

Inihalimbawa ni Father Anton ang pagbukas ng Buy and Give Trade Fair ng Caritas Margins sa Trinoma Mall Activity Center kung saan mahigit sa isanglibong mga produktong pagkain at kagamitan ang mabibili.

Dahil dito inaanyayahan ni Fr. Pascual ang mamamayan na bisitahin at tangkilikin ang mga produktong ibinebenta ng Caritas Margins.

Magtatagal ang Buy and Give Expo mula ika – 26 hanggang ika – 28 ng Setyembre kung saan tuwing alas singko ng hapon ay magsasagawa ng Banal na Misa bilang pasasalamat sa pagkakataon.

OPORTUNIDAD SA MAHIHIRAP

Kinilala naman ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagsusumikap ng Caritas Manila na tulungan ang mamamayan lalo na ang mga mahihirap.

Ikinatuwa ng bise alkalde ang pagdaos ng trade fair sa Quezon City dahil tugma ang layunin ng Caritas Manila sa mga adbokasiyang isinusulong nito para sa mga residente ng Quezon City, ang iangat mula sa kahirapan ang mga nasasakupan.

“Kung magbigay lang tayo ng pagkakataon sa atin pong mamamayan na nagmumula sa mahihirap na mga sektor ay kayang kaya naman nilang iangat ang kanilang pamumuhay basta’t nandiyan ang oportunidad at yan ang trabaho ng Caritas Manila ang magbigay ng oportunidad sa mga marginalized sectors ng ating lipunan.” pahayag ni Vice Mayor Belmonte sa panayam ng Radio Veritas.

Tiniyak ni Vice Mayor Belmonte na patuloy itong susuporta sa mga programa ng Caritas Manila at Simbahang Katolika.

Bukod sa mga maliliit na negosyanteng natutulungan, popondohan din ng Caritas Manila ang rehabilitasyon sa mga nasirang bahay na sinalanta ng bagyong Ompong sa Hilagang Luzon at ang scholarship program ng Caritas Manila na Youth Servant Leadership Program na may higit 5, 000 iskolar sa buong bansa.

Patunay ito sa konkretong hakbang ng Simbahan sa pag abot sa mga nangangailangan ss lipunan lalo na ang mahihirap na sektor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 29,378 total reads

 29,378 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 256,296 total reads

 256,296 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 149,763 total reads

 149,763 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 243,793 total reads

 243,793 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 286,645 total reads

 286,645 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top