Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Resolusyon na nagbabawal sa pagtatayo ng Coal Fired Power plant sa Quezon, pinuri ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 387 total views

Pinasalamatan ni Father Raphael Tolentino, Parish Priest ng Parokya ni Niña Maria sa Castañas Sariaya, Quezon ang lokal na pamahalaan sa paglalabas ng Resolution 101 na nagbabawal sa pagtatayo ng Coal Fired Power plant sa alinmang barangay sa Sariaya.

Ayon sa pari, isa itong malaking hakbang para sa matagal nang ipinaglalaban ng simbahan na malinis na kalikasan, ligtas at malusog na kapaligiran para sa mga residente.

Naniniwala ang pari na bagamat simula pa lamang ito sa kanilang pagtataguyod ng kabutihan ng nakararami ay maituturing na rin itong tagumpay para sa kalikasan.

“Salamat sa Panginoon, sa Sanguniang Bayan ng Sariaya at sa mga mamamayan ng laylayan ng Sariaya dahil sa pagpasa ng Resolusyon 101 ng Sanguniang Bayan ng Sariaya na nagpapatibay sa MAHIGPIT na Pagbabawal sa pagtatayo ng COAL-FIRED POWER PLANT sa alin mang Barangay na nasasakupan ng Bayan ng Sariaya.” Mensahe ni Father Tolentino sa Radyo Veritas.

Sa kabila nito, tiniyak ng pari na mananatiling mapagmatyag ang simbahan at mamamayan sa maayos na pagpapatupad ng resolusyon.

Umaasa din ito na magiging isang ganap na ordinansa ang Res. 101, upang maging mas matibay at mapaigting ang pangangalaga sa kalikasan ng Sariaya.

Natukoy naman na 600 megawatt coal-fired thermal power plant ang unang planong itayo ng San Miguel Corporation Global Power Holdings Inc. sa Sariaya Quezon.

Bahagi ito ng 2,000 MW power project na una nang inaprubahan ng Department of Energy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 29,656 total views

 29,656 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 51,722 total views

 51,722 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 67,418 total views

 67,418 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 75,020 total views

 75,020 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 136,987 total views

 136,987 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 339,556 total views

 339,556 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top