Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapabayaan nating lahat

SHARE THE TRUTH

 172 total views

Mga Kapanalig, unti-unti nang nauubos ang pag-asang may mahuhukay pang buháy sa gumuhong mga bundok sa Benguet matapos ang matinding pag-ulang dala ng Bagyong Ompong. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi bababa sa 46 na bangkay na ang na-recover mula sa landslide sa Itogon, isang bayang kilala sa small-scale mining. Landslide din ang pumatay sa halos 30 tao sa Naga City sa probinsya ng Cebu nang gumuho ang isang quarry site matapos ang malakas na pag-ulan doon noong nakaraang linggo.

Sa araw namang ito, eksaktong siyam na taon na ang nakalipas, naganap ang sinasabing pinakamatinding pagbahang naganap sa Metro Manila at mga karatig na lugar. Ibinagsak ng Bagyong Ondoy sa loob lamang ng anim na oras ang ulang katumbas ng isang buwang pag-ulan. Aabot sa 464 katao ang naitalang namatay at halos isang milyong pamilya ang naapektuhan ng malawakang pagbaha at landslide.

Sa pagitan ng 2009 at 2018, marami nang dumaang malalakas na bagyo at matitinding pag-ulan sa ating bansa. At wala sa mga ito ang hindi nag-iwan ng matinding pinsala sa buhay at ari-arian. Maraming inilikas sa mga evacuation centers, mga nasaktan o namatay dahil sa flash flood o landslide, at mga pamilyang nawalan ng kabuhayan. Halos mabura ang mga bayan gaya noong tumama ang Bagyong Yolanda. Ngunit kagagawan nga ba ito ng mga bagyong dumaan?

May mga nagsasabing wala naman talagang matatawag na “natural disasters”, walang mga sakunang dala ng kalikasan. Ang mga bagyo o ulang dala ng habagat ay mga natural na pangyayaring may dalang panganib o hazard. Nagkakaroon lamang ng sakuna o kalamidad o disaster kapag ang hazard ay tumama sa mga lugar na tinitirahan ng mga tao at naapektuhan ang mga naninirahan.

May punto ito, mga Kapanalig. Halimbawa, kung ang isang supertyphoon ay nanatili sa karagatan at hindi tumama sa lupa, hindi natin iyon maituturing na “natural disaster” dahil wala namang naapektuhang buhay, walang disaster na naganap. Mukhang nasanay na tayong tawagin ang mga kalamidad bilang bunga ng mga “natural disaster” upang pagtakpan ang kakulangan nating mga tao—lalo na ng mga may tungkuling tiyakin ang kaligtasan ng lahat—sa paghahanda sa mga magiging epekto ng masamang panahon.

Gayunman, maraming kailangan isaalang-alang upang maunawaan kung bakit may mga taong naninirahan sa tabing-ilog at dalisdis o gilid ng mga bundok kahit alam nilang delikado roon. Ang mga pamilya sa Itogon, Benguet at Naga City, Cebu, halimbawa, ay nakatira sa mga landslide-prone na lugar dahil naroon ang kanilang kabuhayan. Ang mga binaha sa Marikina ay naroon din dahil malapit iyon sa lugar ng kanilang trabaho at mahahalagang serbisyo. Matitigas ba ang kanilang ulo? Hindi po—may mga praktikal na dahilan kung bakit may mga kababayan tayong pinipiling tumira sa mga mapanganib na lugar.

Ngunit kung ang mga minero ay napaglaanan ng ligtas na lugar upang pagtatayuan ng kanilang bahay, mayroon kayang mga matatabunan ng landslide kapag may bagyo? Kung ang mga manggagawa sa ating mga lungsod ay bibigyan ng pagkakataong tumira sa mga lugar na hindi lantad sa pagbaha, mayroon kayang mga pamilyang kailangang i-evacuate sa tuwing aapaw ang ilog? Sa madaling salita, marami ang maliligtas sa mga sakuna kung ibinabahagi sa lahat, lalo na sa mga mahihirap, ang mga lugar na akmang panirahanan. Nakalulungkot nga lamang na mas pinapaboran ng kasalukuyang sistema ng ekonomiya ang interes ng malalaking negosyong kumakamkam ng lupa upang pagkakitaan. Pinalalalâ pa ito ng isang uri ng pamamahalang hindi inuuna ang kapakanan ng mahihirap at ng kalikasan.

Mas nakalulungkot, mga Kapanalig, na marami sa atin ang hindi umiimik sa hindi makatarungang pakikinabang sa biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Sa huli, dahil sa pagpapabaya natin sa ating kapwa at sa kalikasan, masasabing may bahagi tayong lahat sa pagkamatay ng mga kababayan natin sa panahon ng kalamidad.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 2,319 total views

 2,319 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 8,292 total views

 8,292 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,047 total views

 14,047 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 21,310 total views

 21,310 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 29,295 total views

 29,295 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 2,320 total views

 2,320 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 8,293 total views

 8,293 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 14,048 total views

 14,048 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 21,311 total views

 21,311 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 29,296 total views

 29,296 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,178 total views

 35,178 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,182 total views

 47,182 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,224 total views

 55,224 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,781 total views

 46,781 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,206 total views

 45,206 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,992 total views

 46,992 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,917 total views

 43,917 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,231 total views

 58,231 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,921 total views

 61,921 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,524 total views

 60,524 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top