Parilympics 2018, inaasahang magbubunga ng camaraderie

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 390 total reads

Pormal na binuksan ni Antipolo Auxiliary Bishop Noli Buco ang taunang pagtitipon ng mga pari sa larangang pampalakasan na tinatawag na “Parilympics,” noong ika-24 ng Oktubre sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary.

Naniniwala si Bishop Buco na sa pamamagitan nito ay lalong mapagtitibay ang pagbubuklod ng mga pari mula sa iba’t-ibang diyosesis at kongregasyon.

Sinabi ni Bishop Buco na naipakikita din sa pamamagitan ng Parilympics na hindi lamang ispiritwal na kalusugan ang kinakailangang punan ng mga pari kundi maging ang kanilang kalusugang pampisikal.

“Yung mapalalim yung aming samahan bilang mga kaparian na naglilingkod sa sambayanan bilang mga nagsusumikap din na maging banal sa isa’t-isa. [At] Matanto din nila na kami din ay tao, kailangan din namin yung aming wellness, ma-maintain yung kalusugan para sa ganun, makapaglingkod din kami sa sambayanan ng maayos.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Buco sa Radyo Veritas.

Inihayag naman ni Fr. Bong Bayaras ng Archdiocese of Manila na nap0akahalaga ng pagtitipon lalo na sa mga bagong pari tulad niya.

Sinabi ni Father Bayaras na magandang pagkakataon ito upang makilala at makahalubilo ng mga bagong pari ang mga nakatatanda maging ang mga nagmula sa ibang diyosesis at kongregasyon.

“This is to build camaraderie para magkakilakilala din. Ako na bagong pari, kapag may mga batang pari at least nakikilala ko din yung mga nauna sa’min, kumbaga yung mga ahead sa’min, mga senior sa’min na nakakalaro.” Pahayag ng pari sa Radyo Veritas.

Samantala, bukod sa mga diyosesis ay kabilang din ang isang kongregasyon sa mga lumahok sa Parilympics ngayong taon.

Naniniwala si Father Vincent Cadeliña, OAR, na makabubuti din ang pagtitipon na ito ng mga pari sa pamamagitan ng sports upang mas magkalapit pa ang bawat isa at mapalakas ang kanilang ugnayan bilang mga pari.

Sa kabuuan, anim na kupunan ang lumahok sa isinasagawang Parilympics ngayong taon.

Ang mga ito ay mula sa mga Diyosesis ng Imus, Antipolo, Malolos, Novaliches, Arkidiyosesis ng Maynila at Order of Agustinian Recollects.

Umaasa naman ang mga pari na sa susunod pang mga taon ng pagsasagawa ng Parilympics ay madadagdagan pa ang mga grupo na sumasali sa pagtitipon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 32,607 total reads

 32,607 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 259,284 total reads

 259,284 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 152,751 total reads

 152,751 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 246,781 total reads

 246,781 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 289,466 total reads

 289,466 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,277 total reads

 34,277 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,177 total reads

 27,177 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top