Paglaya ng mga Pinoy na dinukot ng Nigerian pirates, Ipinapanalangin ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 439 total reads

Ipinapanalangin ng Simbahang Katolika ang kaligtasan ng mga dinukot na Filipino sa Nigeria.

Ikinalungkot ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos ang nangyari sa pitong Filipinong Marino na dinukot ng mga pirata sa Nigeria noong ika – 22 ng Setyembre.

Umaasa si Bishop Santos, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na palayain ng mga dumukot ang mga Pinoy.

“Let us entrust everything to God, that He with our constant prayers and His mercy they will be safe; and God will touch their captors for change of hearts and they would be freed unharmed.” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Batay sa pahayag ng Nigerian Maritime Administration and Safety Agency, nangyari ang pag-atake ng mga pirata sa Timog Kanluran ng Bonny Island habang nasa pagitan ng Lagos at Port Harcourt.

Bukod sa pitong Filipino ay mayroon ding taga Slovenia, Ukraine, Romania, Croatioa at Bosnia.

Dahil dito umapela si Bishop Santos sa mga Simbahan na mag-alay ng panalangin para sa mga dinukot na marino.

“We appeal to our Overseas Chaplains and Diocesan migrant ministries to offer Holy masses for the swift and safe release of our seamen.” ani ni Bishop Santos.

Tiwala naman ang Obispo na gumagawa ng hakbang ang Pamahalaan para sa ligtas na paglaya ng mga Filipinong dinukot at maayos na makababalik sa kani-kanilang pamilya.

Samantala nakipag-ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa Abuja at Berne sa mga otoridad at pamahalaan ng Nigeria at Switzerland para matukoy ang kinaroroonan ng mga dinukot na kawani ng MV Glarus.

Sa pagdiriwang ng Sea Sunday noong Hulyo, ipinapanalangin ni Pope Francis ang lahat ng manggagawa sa karagatan at mga marino sa kanilang pagsusumikap na malayo sa pamilya at hiniling sa Blessed Mother, Star of the Sea at sa Panginoon na protektahan at gabayan ang mga ito mula sa panganib sa karagatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 10,995 total reads

 10,995 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 92,317 total reads

 92,317 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 186,542 total reads

 186,542 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 247,032 total reads

 247,032 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 260,403 total reads

 260,403 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 35,374 total reads

 35,374 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top