Pari sa curfew; para sa kapakanan ng kabataan at disiplina sa oras

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 799 total reads

Hindi lamang para sa kapakanan ng mga kabataan ang ipinatutupad na curfew sa mga lansangan.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Conegundo Garganta – executive secretary ng CBCP–Episcopal Commission on Youth, kaugnay sa mas mahigpit na implementasyon sa kasalukuyan ng curfew sa bansa alinsunod na rin sa isinusulong ni President-elect Rodrigo Duterte.

Paliwanag ng pari, makatutulong rin ang naturang polisiya upang muling maibalik ang disiplina at tamang paggamit ng bawat isa sa oras.

“So magandang ito ay muling ibalik ang patakaran ito hindi lamang para sa mga kabataan kundi maging para sa lahat, magkaroon ba ng tamang gamit ng oras at disiplina sa oras at ang mga tao aty dapat nasa kanilang tamang lugar sa tamang oras…” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Garganta sa panayam sa Radio Veritas.

Sa kabila nito, umaasa naman si Fr. Garganta na masusing pag-aaralan ng mga otoridad ang parusang ipapataw para sa mga lalabag sa ipatutupad sa curfew upang mas maging epektibo ang layunin ng mahigpit na implementasyon sa naturang polisiya.

Paliwanag ng pari, hindi lamang ang pagpaparusa sa mga lalabag sa batas ang dapat pagtuunan ng pansin ng mga otoridad kundi maging ang maayos na pagbabahagi ng layunin nito para sa kapakanan ng mga mamamayan sa lipunan.

“’Yung tungkol siguro sa paraan ng sanction, ‘no? Kung magkaroon ng hindi pagsunod sa patakaran, siguro ang ating mga nasa katayuan o kakayahan naman tungkol sa batas ay pag-aralan ng mas malawak ito kung papaano nga na ang magiging bunga nito ay maayos na pagsunod at disiplina para sa lahat ng mamamayan at hindi lamang para sa mga kabataan…” dagdag pa ni Fr. Garganta.

Una ng sinuportahan ng Philippine National Police (PNP) ang plano ni President-elect Rodrigo Duterte na pag-aresto o pagpapanagot sa mga magulang na mga menor-de-edad na lalabag sa ipatutupad na oras ng curfew mula alas-dyes ng gabi hanggang alas-kwatro ng madaling araw.

Nasasaad sa Juvenile Justice and Welfare Act na may pananagutan ang mga magulang sa anumang kasalanan o paglabag sa batas ng kanilang mga menor de edad na anak.

Bukod dito inaasahang makatutulong rin ang implementasyon ng curfew upang mabawasan ang kaso ng human trafficking sa mga kabataan.

Base sa 2013 Trafficking in Persons Report, umabot sa 227 kaso ng Human Trafficking ang naisampa sa Department of Justice, habang may 24 ang na-convict at nakasuhan dahil dito noong taong 2014.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 19,843 total reads

 19,843 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 80,773 total reads

 80,773 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 166,140 total reads

 166,140 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 212,876 total reads

 212,876 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 260,748 total reads

 260,748 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 360,702 total reads

 360,702 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top