YSLEP ng Caritas Manila, biyaya sa kabataan, pamilya at sa lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 385 total views

Hindi lamang mahalaga ang edukasyon sa mga kabataan, kundi ito ay biyaya rin sa ating bansa para makaahon sa kahirapan ang pamilyang Filipino.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on the Laity chairman Bishop Broderick Pabillo, ang pagbibigay edukasyon sa mga kabataang naghihirap lalo na ‘yung may angking galing at talino ang pinaka-mabisang programa para makaahon ang kanilang pamilya mula sa kahirapan.

Pahayag pa ng obispo, ang edukasyon din ang magtataas sa mga kabataan lalo na ng mahihirap ng kanilang at magkakaroon sila ng sapat na kaalaman para sa pagdedesisyon ng tama.

“Ang edukasyon ay hindi lamang mahalaga sa kabataan, mahalaga din ‘yan para sa ating bansa, mahalaga din ‘yan para sa pagpapaahon sa mga tao mula sa kahirapan, pinaka-sure na programa para makaahon ang mga tao sa kahirapan ay ang pagtatapos sa pag-aaral, edukasyon ng mga tao sapagkat pag well-educated sila lalo na sa ating panahon which is a society of knowledge, mas makakatulong sila sa kanilang pamilya, hindi sila madadala mabobola ng mga tao at makakagawa sila ng mga maayos na desisyon.” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na mahalaga din ang ginagawang Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila dahil sa pagbibigay din nito ng values sa mga kabataan upang maging mabuting mga pinuno o youth leaders sila sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Aniya, bagamat may katagalan ang pagpapaaral, kapag natapos naman ang kabataan, panghabambuhay na itong grasya sa kanila, sa kanilang pamilya at sa bansa.

“Kaya napakahalaga itong pagpapa-scholar natin kaya ang YSLEP program natin hindi lamang natin sila pinaaaral ngunit pina follow up din, binibigyan ng ng values, ginagawang youth leaders, ‘yan po ay mahalaga para sa ating bansa at sa ating mahihirap, ang problema lang ang edukasyon ay long shot long run na pagtulong hindi panandalian pero talagang tatagal naman.” Ayon pa sa obispo.

Kamakailan, mahigit sa 600 mga kabataan na pinaaaral ng Caritas Manila sa ilalim ng YSLEP ang nagtapos sa kanilang pag-aaral.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 5,000 ang scholars ng YSLEP ng Caritas Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 14,718 total views

 14,718 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 32,518 total views

 32,518 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 32,518 total views

 32,518 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 145,866 total views

 145,866 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 167,213 total views

 167,213 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 1,071 total views

 1,071 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 225,609 total views

 225,609 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top