Parusahan ang mga napatunayang sangkot sa katiwalian, hamon ni Bishop Pabillo sa administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 702 total reads

Panagutin ang mga ahensya at mga opisyal ng pamahalaan na mapapatunayang nasangkot sa katiwalian.

Ito ang pagninilay ni kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ngayong Ikatlong linggo ng adbiyento o Gaudete Sunday.

“Napakalaki at napakaraming mga issues ng corruption sa pamahalaang ito, at walang naipapakulong dahil sa corruption. Pinagtatanggol pa ang mga corrupt na kaibigan at binabalingan ang mga ahensiya na nagsasalita at nag-iimbistiga tulad ng Commission on Audit at mga media organization,” bahagi ng pagninilay ng Obispo.

Binigyang diin ni Bishop Pabillo na ang laganap na korapsyon sa pamahalaan ang dahilan kung bakit maraming mamamayan ang nakakaranas ng labis na paghihirap.

Tinukoy ng Obispo ang maraming likas na yaman na taglay ng bansa na napupunta lamang sa katiwalian sa halip na ilaan sa pangangailangan ng lipunan.

“Pinagpala ng Diyos ang Pilipinas, ngunit bakit maraming mga Pilipino ay mahihirap? Kasi laganap ang corruption. It is the poor who suffer from corruption. Ang pera ng bayan na dapat pumunta sa serbisyo ng tao ay na co-corrupt ng iilang mga tao,” ayon pa sa Obispo.

Nanawagan din si Bishop Pabillo sa mga ahensya at itinalagang sangay ng gobyerno na naniningil ng buwis na maging makatarungan sa pangongolekta ng buwis.

“Nagtanong naman ang mga publikano, ang mga nangungulekta ng buwis – ano ang dapat naming gawin? Maging makatarungan kayo! Huwag mangulekta ng labis. Sumingil lang ng nararapat. Magbabayad pa rin ng buwis ang mga tao pero huwag namang pasobrahan ang singil. Maging makatarungan, at marami ay masisiyahan. Hindi naman mahirap ang Pilipinas” Ani Bishop Pabillo.

Tiniyak naman ni Bishop Pabillo sa paggunita ng Gaudete Sunday na ang bawat sakripisyo ng mga mananampalataya kasabay ng taimtim ng pananalangin ng kapatawaran ay magdadala sa bawat isa tungo sa Panginoon

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 70,930 total reads

 70,930 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 174,021 total reads

 174,021 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 210,809 total reads

 210,809 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 241,384 total reads

 241,384 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 286,801 total reads

 286,801 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 24,656 total reads

 24,656 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »
Scroll to Top