Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,725 total reads

Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus!

Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.” Buhay si Hesus! Nadarama niyo ba ang pag-asang dala ng Kanyang muling pagkabuhay? Sa gitna ng ingay ng kampanya at patutsadahan ng mga supporters ng magkakalaban sa halalan, paano natin isasabuhay ang diwa ng Pasko ng Muling Pagkabuhay?

Ayon sa Philippine National Police noong Marso, wala pang sampu ang election-related violence sa bansa. Pero inaasahang tataas ito habang papalapít ang eleksyon. Dagdag pa sa mga ito ang sunud-sunod na kaso ng mga kandidatong bastos ang lumalabas sa kanilang bibig. Tinalakay natin sa isang editoryal ang pambabastos sa single mothers ng isang tumatakbo sa pagkakongresista. Sinampahan na siya ng disqualification case sa COMELEC. Humabol pa ang mga kandidatong nagbitiw ng mga birong mapang-alipusta sa mga kapatid nating Moro at mga negosyante mula sa India.

Napakaraming nangyayari ngayon sa pulitika na tila nabubura na ang tunay na punto ng eleksyon—at pati marahil ang diwa ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus. Sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na ang eleksyon ay isang porma ng kontrol ng taumbayan kung saan napananagot natin ang ating mga lider. Pagkakataon ito upang palitan ang mga nakaupo sa puwestong walang napatunayan at upang makapagluklok ng mga lider na tunay na maglilingkod sa atin.

Bilang paghahanda sa eleksyon, ang kampanyahan ay panahon para makilala natin ang mga kandidato at bigyang-diin ang ating mga pinahahalagahan bilang mga indibidwal, komunidad, at bayan. Sa mga pag-uusap sa mga campaign sorties, sa online, sa ating mga tahanan at kapitbahayan, maaari nating ipakita ang ating mga Kristiyanong prinsipyo katulad ng pagpapahalaga sa buhay at dignidad ng tao, dangal ng sanilikha, pagkiling sa mahihirap at isinasantabi, at kabutihang panlahat o common good. Sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga plataporma ng mga kandidato kaugnay ng mga prinsipyong ito, isinusulong natin ang isang mas makatarungan at mapagmahal na lipunan. Hindi ba’t ang lipunang sumasalamin ng kaharian ng Diyos ang hangad ng Hesus na muling nabuhay? Hindi ba ito pagtataguyod ng Kanyang kaharian dito sa lupa ang diwa ng Pasko ng Muling Pagkabuhay?

Bilang mga tagasunod ni Hesus na pinaghabilinan Niya ng misyon, huwag nating ituring na hiwalay ang pagpapanibago ng ating pulitika sa pagsasabuhay ng pag-asang dala ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Nakapaloob pa naman sa panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ang eleksyon sa Mayo 12. Pagkakataon ito upang tumugon sa imbitasyon ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti na lumikha ng mas mabuting uri ng pulitika o “a better kind of politics.” Nakatuon ang pulitikang ito sa kultura ng pakikilahok at pananagutan para sa kabutihang panlahat, hindi sa mga personalidad. Kaya kung bubuuin natin ang mas mabuting uri na pulitika, buháy ang ating pananampalatayang kumikilos para sa katarungan.

Sa ilalim ng pulitikang ito, kikilos tayo upang masigurong naitataguyod ang ating mga positibong prinsipyo. Mangangampanya tayo para sa mga kandidatong pinoprotektahan ang buhay at dignidad ng bawat tao at nilalang. Papanig tayo sa mga kumikiling sa mahihirap at isinasantabi, katulad ng mga magsasaka, mangingisda, katutubo, maralitang tagalungsod, kababaihan, at mga may kapansanan. Iboboto natin ang mga naninindigan para sa interes ng taumbayan, hindi ng iilan. Sa pagtatapos ng halalan, hindi tayo maglalahong parang bula. Sa halip, aktibo nating papanagutin ang mga maluluklok at sisingilin sila sa kanilang mga ipinangako.

Mga Kapanalig, hindi magkahiwalay ang pagiging isang mabuting mamamayan at mabuting Kristiyano. Ngayong panahon ng eleksyon at Pasko ng Muling Pagkabuhay, isabuhay natin ang pag-asang dulot ng muling pagkabuhay ni Hesus sa pagsusulong ng mas mabuting uri ng pulitika.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 23,677 total reads

 23,677 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 60,991 total reads

 60,991 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 79,202 total reads

 79,202 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,530 total reads

 163,530 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 199,793 total reads

 199,793 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 23,678 total reads

 23,678 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 60,992 total reads

 60,992 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 79,203 total reads

 79,203 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,531 total reads

 163,531 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top