Muling pagkabuhay ni Hesus, ipalaganap sa buong pamayanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,177 total reads

Hinimok ni Franciscan Capuchin Fr. Troy De Los Santos ng St. Joseph Cathedral sa Abu Dhabi United Arab Emirates ang mananampalataya na ipalaganap sa buong pamayanan ang biyaya ng muling pagkabuhay ni Hesus.

Sinabi ng pari na dapat hindi manatili sa mga simbahan ang diwa ng muling pagkabuhay ng Panginoon kundi dapat maramdaman sa buong pamayanan.

“Nawa’y ang pagdiriwang na ito ay maging daan upang muling manumbalik ang ating pananampalataya, pagtitiwala, at pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Huwag nating hayaang manatili lamang ang Pasko ng Pagkabuhay sa loob ng simbahan—dalhin natin ito sa ating mga tahanan, sa ating trabaho, at sa bawat araw ng ating buhay,” bahagi ng mensahe ni Fr. De Los Santos.

Binigyang diin ni Fr. De Los Santos na ang muling pagkabuhay ni Hesus ay paalala na sa kabila ng lahat ng pinagdadaaanang mga pagsubok, sakit, at kawalang katiyakan ay may bagong simula at pag-asang hatid ni Hesus sa sanlibutan.

Iginiit ng pari na ang tagumpay ni Hesus ay paalala na sa gitna ng kadiliman ay tumatanglaw ang liwanag na hatid ni Hesus sa sanlibutan at sa bawat pagsubok ay may kaakibat na pagtatagumpay.
Ibinahagi ni Fr. De Los Santos sa mga Filipino migrants lalo sa Middle East na ang mahalagang pagdiriwang ng pananampalatayang kristiyano ay paanyayang magpatuloy sa buhay sa kabila ng mga karanasan.

“Ngayong Year of Hope, ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang paalala na sa kabila ng lahat ng ating pinagdaanan—mga pagsubok, sakit, at kawalan ng katiyakan—may bagong simula,” ani ng pari.
Libu-libong mga Pilipino sa UAE ang dumalo sa pagdiriwang kabilang na si Ambassador Alfonso Ver.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 18,108 total reads

 18,108 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 48,258 total reads

 48,258 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 108,756 total reads

 108,756 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 128,432 total reads

 128,432 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 209,086 total reads

 209,086 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 308,641 total reads

 308,641 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top