Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 499 total views

Isa sa mga kaaba-abang pangyayari sa buhay ng tao ang mawalan ng tahanan. Ang kawalan ng tahanan ay simbolo ng sukdulang kahirapan, kawalan ng proteksyon, at pagiging tapon o palaboy ng lipunan. Nobody deserves to be homeless, kapanalig.

Ngayong pasko, mas masidhi ang kalungkutan ng mga walang sariling tahanan, lalo pa kung sila’y nag-iisa. Malamig ang simoy ng hangin at maulan, pero wala silang mapagsilungan. Pinapa-alala nito ang karanasan ng ating Diyos na sa sabsaban lamang naipanganak. Tulad niya, napakarami pa ring Filipino ang walang tahanan.

Ang kawalan ng tahanan ay malaking isyu sa ating bayan. Ayon sa opisyal na datos noong 2018, tinatayang 4.5 milyong Filipino pa ang walang tahanan o nakatira sa  mga informal settlements sa ating bansa. Napakahirap tumira sa mga ganitong lugar, kapanalig, lalo ngayon na panahon ng pandemya. Dikit dikit ang bahay at maninipis na plywood o yero lamang ang pagitan ng mga tirahan.

Maliban sa sikip, pahirapan din ang mga batayang serbisyo dito gaya ng tubig at kuryente. Mala -pansit na ang mga kawad ng kuryente sa mga lugar na ito. Marami na rin ang jumper connections na nagdadala ng panganib ng sunog. Ang tubig din kadalasan ay communal – may poso o gripo na pinipilahan ng mga residente. Kung may piped connections man, ang mga metro nila ay malayo sa mga kabahayan, kaya’t ang kanilang mga linya ay prone sa pagkabutas o pakasira. May iba, nanakawan na nga rin ng tubig.

Wala ring privacy sa ganitong mga lugar kapanalig. Maingay habang naka-work from home o naka-online classes ang mga estudyante. Hirap na sa pagkakaroon ng gadget dahil sa kahirapan, hirap pa sa pakikinig dahil nga dikit-dikit ang mga pamamahay.

Kapanalig, ang problema sa pabahay ay problemang sobrang tagal na. Padami ng padami ang mga walang bahay.  Itong darating na 2022, tinatantyang aabot na sa 6.5 million hanggang 7 million ang walang bahay. Ang paghihirap ng mga tao ngayong pandemya, ang pagdami ng nais lumipat sa mga syudad para sa trabaho, at ang mabagal at mahal na pagpagawa ng bahay ay ilan sa mga dahilan kung bakit tataas pa ang housing backlog sa bansa. Sana, makahabol tayo para wala ng mamamayan ang magtitiis pa sa sabsaban.

Ayon sa Gaudium et Spes, “All offenses against human dignity, such as subhuman living conditions…all these and the like are criminal.” Ang kawalan ng pabahay ng marami nating mga kababayan ay repleksyon ng ating pagsasawalang bahala sa kapakanan ng ating mga kapwa, lalo na ang maralita. Ilang pasko pa kaya ang dadaan bago sila magkakaroon ng tahanan

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 22,442 total views

 22,442 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 73,126 total views

 73,126 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 79,255 total views

 79,255 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 108,654 total views

 108,654 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 126,177 total views

 126,177 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 22,443 total views

 22,443 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 73,127 total views

 73,127 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 79,256 total views

 79,256 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 108,655 total views

 108,655 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »
Scroll to Top