Bagama’t kapwa nasalanta ng Bagyong Odette: Diocese ng Butuan, magpapahatid ng tulong sa Surigao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 682 total reads

Naghahanda na ang Diyosesis ng Butuan para magbigay ng tulong sa mga labis na nasalanta ng pananalasa ng Bagyong Odette.

Ayon kay Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla, bagamat kabilang din sila sa nakaranas ng malakas na pag-ulan at hanging dala ng bagyo, bahagya lamang ang idinulot na pinsala kumpara sa mga karatig na diyosesis tulad ng Diyosesis ng Surigao.

Sinabi ng obispo na naghahanda na ang Social Action Commission ng Butuan para sa pamamahagi ng tulong bagama’t hamon pa rin sa kasalukuyan ang pakikipag-ugnayan dahil sa mga putol na linya ng komunikasyon.

“Yes, neighbor diocese po namin ang Surigao. We will help them on their needs. Kaso ‘di pa namin sila ma-contact ngayon,” pahayag ni Bishop Almedilla sa Radio Veritas.

Sa inilabas na situational report ng NASSA/Caritas Philippines, matindi ang iniwang pinsala ng Bagyong Odette sa Diyosesis ng Surigao kung saan maraming mga imprastraktura ang lubos na nawasak at mga residenteng nagsilikas.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa halos 13,000 pamilya o mahigit-44,000 indibidwal ang lubos na apektado ng nagdaang sakuna sa buong Visayas at Mindanao.

Ayon naman sa PAGASA, huling namataan ang Bagyong Odette sa kanluran hilagang-kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan na inaasahang lalabas Philippine Area of Responsibility bukas, araw ng Linggo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,323 total reads

 55,323 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,693 total reads

 134,693 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,138 total reads

 168,138 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,436 total reads

 203,436 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,739 total reads

 427,739 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,142 total reads

 157,142 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top