Hinimok ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang lahat ng mananampalataya na maging maingat, mahinahon, at mapanuri sa lahat ng usaping panlipunan.
Ito ang mensahe ni Cardinal Advincula sa inilabas na Pastoral Statement na may titulong ‘A Call for Vigilance, Sobriety and Discernment.”
“In moments of mass gatherings and public discourse, we do not let emotion prevail over reason. We must always adhere to the rule of law and resist any calls for extra-constitutional means to solve our problems. Our loyalty must be to our country and its democratic principles, not to persons, and certainly not to ambition.”
“In this time when shadows of deceit and corruption cloud our land,” as we pray in our Oratio, we ask the good Lord, “shine upon us Your light that scatters all darkness,” ayon sa pahayag ni Cardinal Advincula.
Sa memorandum circular, hinikayat ni Cardinal Advincula ang mga nasasakupang na parokya na babasahin ang Pastoral Statement sa mga misa simula ngayong Sabado ng gabi (Nov.15), at sa lahat ng misa sa araw ng Linggo (Nov.16).
Binigyang-diin ng pinunong pastol ng Maynila ang katapatan ng mamamayan ay dapat nakatuon sa bayan at sa mga demokratikong institusyon.
“Our loyalty must be to our country and its democratic principles, not to persons, and certainly not to other self-serving motivations,” ayon kay Cardinal Advincula.
BABALA LABAN SA “PANDEMIC OF LIES”
Hinimok ng Kardinal ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng hindi mapagkakatiwalaang impormasyon at maging maingat sa pagtanggap ng balita.
Ayon sa Cardinal na tinawag itong isang “pandemic of lies,” na pumipinsala sa kakayahang makita ang katotohanan. Aniya, tungkulin ng bawat Kristiyano na suriin ang impormasyon bago ito ibahagi.
“Let truth be our standard,” diin ng Kardinal.
Panawagan sa militar at pulisya (in bold letters)
Nanawagan di si Cardinal Advincula sa hanay ng militar, pulisya, at mga lingkod-bayan na manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.
“Stay faithful to your oath to the flag and our country and not to any particular personality.”
Ayon pa kay Cardinal Advincula, hindi lamang makatwiwang tugon ang kailangan ng bansa, kundi isang tunay na pagbabago sa puso at isip.
“PILGRIMAGE OF HOPE”
Bahagi rin ng pastoral statement ang panawagan sa sambayanan na tahakin ang “Pilgrimage of Hope,” isang landas tungo sa pambansang pagbabago at sama-samang pagkilos laban sa katiwalian at iba pang suliranin ng lipunan.
Suportado rin ng Archdiocese of Manila ang panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa tuloy-tuloy na pagdarasal at tiyak na hakbang para sa kabutihang panlahat.
Nananawagan din si Cardinal Advincula ng panalangin para sa bansa, na nawa’y manaig ang katotohanan at katarungan.
“Let us pray for our beloved Philippines, for integrity to prevail, truth to be revealed, and justice to be served,” ayon pa kay Cardinal Advincula.






