Misyonerong Aleman na naglingkod sa mga Katutubong Mangyan ng Mindoro, pumanaw

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,338 total reads

Nagpahayag ng pagdadalamhati ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples (ECIP) sa pagpanaw ni Fr. Ewald “Amang” Dinter, SVD.

Si Fr. Dinter ay isang German missionary na kilala sa kanyang panghabambuhay na paglilingkod at pakikiisa sa mga pamayanang katutubo, lalo na sa mga Mangyan ng Mindoro.

Pumanaw ang pari dakong alas-9:07 ng gabi noong Biyernes, November 14, 2025, sa University of Santo Tomas (UST) Hospital sa Maynila.

Ayon kay CBCP-ECIP outgoing chairman, Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, isang tunay na misyonero si Fr. Dinter na inilaan ang buhay sa pagtataguyod ng dignidad, karapatan, at kultura ng mga katutubo.

“His gentle presence, deep humility, and unwavering solidarity earned him the trust, affection, and lasting gratitude of the communities he served,” pahayag ni Bishop Dimoc.

Nagsilbi si Fr. Dinter bilang Executive Secretary ng CBCP-ECIP mula 2010 hanggang 2013, at bilang Indigenous Peoples Apostolate South–Central Luzon Regional Coordinator mula 1993 hanggang 2010.

Nahalal rin siya bilang Provincial Superior ng SVD Philippines noong 1979 at nanatiling pinuno ng Central Province matapos hatiin ang SVD sa tatlong probinsya noong 1982. Sandali rin siyang naging Rector ng Christ the King Seminary habang nananatiling provincial councilor.

Noong 1986, tuluyang inialay ni Fr. Dinter ang kanyang sarili sa paglilingkod sa mga Mangyan, kung saan matagal siyang namuhay kasama nila, nagturo, nagtaguyod ng edukasyon, itinatag at pinamunuan ang Mangyan Education Center, at kalaunan ay hinirang bilang Episcopal Vicar para sa Mangyan Missions.

“His life and witness continue to inspire our ministry among Indigenous Peoples throughout the country. We give thanks to God for the gift of Amang Dinter’s life. May he now rest in the peace of the Creator whom he served so faithfully,” ayon kay Bishop Dimoc.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,086 total reads

 47,086 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,866 total reads

 126,866 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,313 total reads

 160,313 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,611 total reads

 195,611 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,337 total reads

 420,337 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,806 total reads

 156,806 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top