CBCP nananawagan ng katotohanan at ‘due process,’ kaugnay ng paratang ni dating Rep. Zaldy Co

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,930 total reads

Nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na pairalin ang katotohanan, katarungan, at tamang proseso kaugnay ng mga paratang na inilabas ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Ayon kay CBCP President Cardinal Pablo Virgilio David, kung totoo at mabigat ang mga ibinintang ni Co, nararapat lamang na bumalik siya sa bansa at ihain ang kanyang reklamo sa tamang hukuman, sa ilalim ng panunumpa at may kasamang matibay na ebidensya.

“Public declarations on social media, however alarming, cannot take the place of formal testimony in the appropriate legal venues. For the good of the nation, such claims must be examined transparently, impartially, and in accordance with the rule of law,” ayon pa sa inilabas na pahayag ng CBCP.

Binibigyang-diin ng CBCP na hindi sapat ang paglalabas ng pahayag sa social media. Ang ganitong uri ng akusasyon ay dapat iharap sa mga ahensyang may kapangyarihang magsiyasat, at masusing suriin nang bukas, patas, at ayon sa batas para sa kabutihan ng bayan.

Hinikayat din ng CBCP ang lahat na mag-ingat laban sa anumang pagsasamantala sa isyung ito, lalo na kung inilalabas sa mga panahong maaaring magpasiklab ng emosyon o makaimpluwensya sa pulitika. Iginiit ng simbahan na karapatan ng publiko ang linaw, katotohanan, at pananagutan, hindi haka-haka, tsismis, o panlilinlang.

“We likewise caution against the political exploitation of these allegations, especially when released at sensitive moments that may inflame public sentiment or be used to influence political outcomes. The Filipino people deserve clarity, not conjecture; truth, not rumor; accountability, not manipulation,” ayon kay Cardinal David.

Dagdag pa ng pangulo ng CBCP, “We likewise caution against the political exploitation of these allegations, especially when released at sensitive moments that may inflame public sentiment or be used to influence political outcomes. The Filipino people deserve clarity, not conjecture; truth, not rumor; accountability, not manipulation.”

Nananawagan ang CBCP na ang bawat hakbang ng sangkot ay magsilbi sa paghahanap ng katotohanan at magpatibay ng tiwala ng mamamayan sa mga prosesong nagtatanggol sa demokrasya ng bansa.

Ang pahayag ng CBCP ay kaugnay ng video message na inilabas ni Co sa kanyang Facebook account, kung saan inihayag niya ang umano’y kinalaman nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Speaker Martin Romualdez sa P100-bilyong “insertion” sa 2025 national budget.

Si Co ay kasalukuyang nasa ibang bansa para magpagamot at inihayag niya sa video na inutusan siya ni Romualdez na manatili sa labas ng bansa para sa kanyang kaligtasan. Binanggit din niya na handa na siyang ilahad ang buong katotohanan tungkol sa kontrobersyal na budget insertions.

Kasalukuyan namang pinag-aaralan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mga alegasyon ni Co laban kay Marcos at iba pang opisyal ng pamahalaan. Samantala, nanawagan ang ilang mambabatas kay Co na bumalik sa bansa at magsalaysay sa ‘under oath’ upang makipagtulungan sa imbestigasyon at ilahad ang buong detalye ng kontrobersiya sa P100-bilyong proyekto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 44,842 total reads

 44,842 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 124,724 total reads

 124,724 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,171 total reads

 158,171 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,469 total reads

 193,469 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,278 total reads

 418,278 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 15,806 total reads

 15,806 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top