Agarang pagpasa ng Anti-Dynasty Bill, panawagan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,422 total reads

Nagpahayag ng buong suporta ang Caritas Philippines sa pagsulong ng Anti-Dynasty Bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, bilang mahalagang hakbang tungo sa mas makatarungan, transparent, at makabuluhang reporma sa sistemang pampulitika ng bansa.

Sa opisyal na pahayag ni Caritas Philippines President at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pinuri niya ang mga mambabatas na nag-akda at nagsusulong ng panukalang matagal nang hinihintay ng publiko.

Iginiit ng Obispo na ang Anti-Dynasty Bill ay isang “matapang na hakbang” upang patatagin ang mga demokratikong institusyon, palawakin ang patas na partisipasyon sa politika, at tiyaking umiiral ang kapakanan ng nakararami.

“Caritas Philippines firmly supports the filing of the Anti-Dynasty Bill in the House of Representatives and commends the authors and champions of this long-overdue reform measure,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

“We welcome this development as a courageous step toward strengthening democratic institutions, promoting fair political participation, and protecting the common good.”

Binigyang-diin ng Obispo na sa loob ng maraming dekada, ang pag-iral ng political dynasties ay nagbunsod ng hindi pagkakapantay-pantay, huminang pananagutan ng mga pinuno, at napigilang mapaunlad ang tunay na kapangyarihan ng mga nasa grassroots level.

Bilang humanitarian at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), iginiit ni Bishop Bagaforo na ang Caritas Philippines ay matagal nang naninindigan para sa mabuting pamamahala na nakaugat sa katarungan, transparency, at moral na pamumuno—mga prinsipyong malinaw na sinasalamin ng Anti-Dynasty Bill.

“For decades, political dynasties have contributed to systemic inequalities, weakened accountability, and hindered genuine grassroots empowerment,” dagdag pa ng Obispo.

Dagdag pa ni Bishop Bagaforo, “The Anti-Dynasty Bill is aligned with these principles.”

Kasabay nito, nanawagan ang Caritas Philippines sa Senado na pakinggan ang tinig ng sambayanan at agarang ipasa ang katapat na panukala upang maisulong ang tunay na pagbabago sa sistemang pulitikal at maibalik ang kapangyarihan ng pamamahala sa lahat, hindi lamang sa iilang makapangyarihan.

“We therefore urge our senators to heed the clamor of the Filipino people and pass the counterpart measure at the soonest possible time… to ensure that compassionate and responsible public service truly belongs to all of us — not just to a powerful few,” ani Bishop Bagaforo.

Tiniyak din ng Caritas Philippines ang kahandaan nitong makipagtulungan sa iba’t ibang civil society groups, faith-based communities, at mga lider ng pamahalaan upang maisulong ang mga repormang nagtataguyod ng dignidad ng tao, inklusibong pag-unlad, at isang makatarungan at makataong lipunan.

Nanawagan si Bishop Bagaforo sa mga mambabatas na kumilos nang may kababaang-loob, tapang, at malasakit para sa kinabukasan ng sambayanang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 38,082 total reads

 38,082 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 145,404 total reads

 145,404 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 190,072 total reads

 190,072 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 212,278 total reads

 212,278 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 247,596 total reads

 247,596 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top