Diyosesis ng Imus maglulunsad ng Panalangin para sa mabuting pamamahala at katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,427 total reads

Magsagawa ang Diyosesis ng Imus ng Diocesan Prayer Rally for Good Governance, Transparency, and Accountability.

Ito ay gaganapin sa bisperas ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari, sa Sabado, Nobyembre 22, 2025, mula 3:00 PM hanggang 8:30 PM sa Dasmariñas Grandstand, Lungsod ng Dasmariñas.

Tema ng pagtitipon ay “Simbahang Kabitenyo: May Pananagutan, May Pananagutin,” bilang panawagan ng Simbahan sa paninindigan para sa katotohanan, katarungan, at moral integrity, lalo na sa harap ng lumalalang katiwalian sa lipunan.

Ayon kay Imus Bishop Reynaldo Evangelista, pansamantalang kanselado ang lahat ng Misa sa buong Diyosesis sa araw ng Nobyembre 22 upang bigyang-daan ang malawakang pakikilahok ng mga mananampalataya.

“Lahat ng Misa sa Nobyembre 22 sa mga parokya ay kanselado sa buong Diyosesis; Ang mga miyembro ng Adoracion Nocturna ay inaanyayahang dumalo sa Prayer Rally para sa kanilang Vigil; Ang pagdiriwang ngayong taon ay mahalaga dahil ito ang 100th Anniversary ng pagtatatag ng kapistahan ng Christ the King sa dokumentong “Quas Primas” ni Pope Pius XI (1925),” ayon pa sa circular.

Hinihikayat din ng obispo ang mga miyembro ng Adoracion Nocturna na dumalo bilang bahagi ng kanilang Vigil para sa Kapistahan.

Binibigyang-diin ng Diyosesis na ang pagtitipon ngayong taon ay may natatnging kahalagahan dahil ito ay ang ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Kapistahan ng Christ the King sa pamamagitan ng dokumentong Quas Primas (1925) ni Pope Pius XI, na nanawagan sa isang lipunang nakatuon sa kapayapaan, katarungan, at buhay-Ebanghelyo.

Hinihikayat ang lahat ng dadalo na magsuot ng puting damit bilang simbolo ng pagkakaisa at dalisay na hangarin.

Nilinaw naman ng Diyosesis na ang Prayer Rally ay hindi protesta, kundi pagtitipon ng Simbahan para sa paninindigan sa mabuting pamamahala at pagpapalakas ng tinig ng pananampalataya sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 48,053 total reads

 48,053 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,789 total reads

 127,789 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 161,236 total reads

 161,236 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,534 total reads

 196,534 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 421,208 total reads

 421,208 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top