CRS Philippines at humanitarian arm ng simbahan naghatid ng agarang tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Tino at Uwan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,955 total reads

Nagpapatuloy ang malawakang humanitarian response ng Catholic Relief Services (CRS) Philippines at Caritas sa iba’t ibang rehiyon na matinding sinalanta ng magkakasunod na Bagyong Tino at Uwan.

Sa Bohol, nakipagtulungan ang CRS Philippines sa Tagbilaran Disaster Risk Reduction and Management Office para ilunsad ang Strengthening Typhoon Anticipatory Action Response of Tagbilaran o STAART Project.

Bilang bahagi ng programang ito, namahagi ang CRS ng tig-P6,000 na cash vouchers sa 468 pamilyang napiling benepisyaryo upang makapagsimula silang muli sa pagpapatayo at pagkukumpuni ng kanilang mga nasirang tahanan.

Ayon sa CRS Philippines, ang inisyatibong ito ay patunay ng kanilang pagtutulak para sa early action at resilience building, kasabay ng pagpapatupad ng Republic Act 12287—ang kauna-unahang batas sa buong mundo na nagbibigay ng legal na batayan para sa anticipatory action sa panahon ng sakuna.

“The STAART Project… builds government capacity on climate change and anticipatory action—reducing disaster impacts before they occur,” pahayag ng CRS.

Samantala, nagpadala rin ng agarang tulong ang CRS Philippines sa Catanduanes sa pakikipagtulungan sa Caritas Virac para sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng Bagyong Uwan. Kabilang sa ipinararating na ayuda ang food packs, bedding materials, at cooking and eating utensils para tugunan ang agarang pangangailangang naiwan ng pananalasa ng bagyo.

Sinusuri din ng US Government Asia Bureau – Bureau of Population, Refugees, and Migration (PRM) ang pinsala sa Catanduanes kasama ng CRS teams upang matukoy ang karagdagang kinakailangang suporta.

“Together, we stand with the people of Catanduanes,” bahagi ng mensahe ng CRS.

Kasabay nito, nagpapatuloy ang relief efforts ng Caritas Manila, na naunang naghatid ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga naapektuhan sa Metro Manila matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino at Uwan.

Patuloy ang pagtugon ng Simbahang Katolika at mga katuwang nitong organisasyon bilang tugon sa lumalalang epekto ng matitinding kalamidad sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 102,992 total reads

 102,992 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 138,013 total reads

 138,013 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 172,146 total reads

 172,146 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 228,551 total reads

 228,551 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top