Cardinal David, nanawagan ng makatarungang ‘climate action’sa COP30 Summit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,412 total reads

Ibinahagi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kalagayan at panawagan ng bansa sa isinasagawang 30th United Nations Framework Convention on Climate Change o Conference of Parties (COP30 Summit) sa Belem, Brazil.

Hiniling ni Cardinal David ang panalangin para sa bansa na muling sinubok ng magkakasunod na kalamidad, isang paalala ng lumalalang kahinaan ng buhay sa rehiyong madalas tinatamaan ng malalakas na sakuna.

Inalala ng kardinal ang trahedyang idinulot ng pananalasa ng Supertyphoon Yolanda noong 2013 na kumitil ng libo-libong buhay at nag-iwan ng malawak na pinsala, na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapawi sa alaala ng sambayanan.

“Many of us still carry the scars of that tragedy. And yet, in the span of just two decades, we have been enduring stronger, wetter, and deadlier typhoons across the Western Pacific, storms that form more quickly, intensify more violently, and devastate more communities than ever before,” ayon kay Cardinal David.

Iginiit ni Cardinal David na nagpapakita ang mga pag-aaral na dahil sa umiinit na Western Pacific—ang pinakamainit na ocean basin sa mundo—ay mas mabilis at mas matindi ang mga nabubuong bagyo, at kasabay nito ang pagkamatay ng coral reefs na pinagmumulan ng mga puting buhangin sa mga tanyag na dalampasigan ng bansa.

Tinukoy ng kardinal na ang Pilipinas, na ngayo’y itinuturing na pinaka-disaster-prone na bansa, ay tumataas ang pangingibang bansa ng mga tao dahil sa lumalalang sakuna, habang ang labis na urbanisasyon at hindi maayos na pamamahala sa basura ay nagpapalala sa pagdurusa ng mahihirap at pagkasira ng kapaligiran.

“Creation groans—and creation’s cry is the cry of our people,” saad ng kardinal.

Binigyang-diin ni Cardinal David ang mahalagang panawagan ng mga obispo ng Global South, ang Symposium of Episcopal Conferences of Africa and Madagascar (SECAM), Latin American and Caribbean Episcopal Council (CELAM), at Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC), para sa ecological conversion at pagtalikod sa mga maling solusyon tulad ng carbon markets at offsets na aniya’y nagpapahintulot sa mayayamang bansa at korporasyon na ipagpatuloy ang negosyo habang ang mga mahihinang bansa ang higit na apektado ng pinsala.

Isinulong din ng kardinal ang Earth Tariff, isang mekanismong pinapanagot ang industriya ng pagmimina bago pa man mangyari ang pinsala, na inihain ng Mindanao-Sulu Pastoral Conference.

Aniya, hindi lamang ito panukalang pondo, kundi konkretong hakbang tungo sa katarungan, pangangalaga sa kalikasan, at tunay na pagbabago.

Sa huli, nanawagan si Cardinal David na harapin ng mundo ang krisis nang may pananampalataya, tapang, at pagkakaisa para pangalagaan ang nag-iisang tahanan.

“May we, as a people, stand together—as prayerful disciples, prophetic witnesses, and courageous custodians of the Earth God has entrusted to us,” tagubilin ni Cardinal David.

Isasagawa ang COP30 Summit mula November 10 hanggang 21, 2025, at ito rin ay isang mahalagang pagkakataon dahil bumalik ito sa Brazil, ang unang host ng 1992 Rio Earth Summit kung saan pinagtibay ang UNFCCC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 101,687 total reads

 101,687 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 136,782 total reads

 136,782 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 170,915 total reads

 170,915 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 227,320 total reads

 227,320 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 180,627 total reads

 180,627 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top