Arsobispo ng Cebu nanawagan ng paggalang at panalangin sa pagpanaw ng pari dulot ng mental health problem

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,073 total views

Nagpahayag ng matinding pagdadalamhati ang Archdiocese of Cebu sa biglaang pagpanaw ni Fr. Decoroso “Cocoi” Olmilla, na kinumpirma ng simbahan na bunga ng matinding problema sa kalusugang pangkaisipan.

Nanawagan si Archbishop Alberto Uy sa mamamayan na iwasan ang anumang haka-haka tungkol sa insidente at bigyang pagkakataon ang pamilya ng pari na makapagluksa nang tahimik at may dignidad.

“An in-depth investigation… has revealed that his mental health collapsed and he has succumbed to the unexpected, tragic end of taking his own life. We appeal, on behalf of his family members, for everyone to respect their privacy… and allow them to grieve in dignity and peace,” pahayag ni Archbishop Uy.

Hinimok din ng arsobispo ang mga mananampalataya na ipanalangin si Fr. Olmilla at ipagkatiwala nang buong kababaang-loob sa habag ng Panginoon ang mga sugat na iniwan ng pangyayaring ito.

“But as we mourn, we also humbly ask forgiveness for the wounds that this death may have caused on the faith of the faithful,” dagdag pa ng arsobispo.

Nagpasalamat si Archbishop Uy sa mga awtoridad sa kanilang masusing pagsisiyasat upang matiyak na mabigyang-linaw ang mga pangyayari sa hangarin ng katotohanan at katarungan.

Muling iginiit ng arsobispo ang turo ng Simbahan hinggil sa kasagraduhan ng buhay at ang paninindigang Diyos lamang ang may karapatan sa buhay ng tao.
“Finally, we… reiterate our moral conviction of upholding the Christian principle that no one has the right to take away what God has alone given… Every life is sacred,” giit ni Archbishop Uy.

Samantala, para sa mga dumaranas ng suliranin sa kalusugang pangkaisipan, bukas ang Catholink ng Radyo Veritas para sa counselling sa numerong (02) 8925-7931 to 39 loc. 117 at 0917 639 7843 katuwang ang mga partner psychologists.
Maaari ring tumawag sa National Center for Mental Health sa 0917-899-USAP (8728), (02) 7-989-USAP, o 1553.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 11,355 total views

 11,355 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 34,507 total views

 34,507 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 104,620 total views

 104,620 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 179,233 total views

 179,233 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 258,548 total views

 258,548 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top