Pati ba naman mga silid-aralan?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 101,415 total views

Mga Kapanalig, hindi na lingid sa ating kaalaman ang problema natin sa kakulangan ng silid-aralan sa ating mga pampublikong paaralan. Pero ang malamang nadamay din ang pagpapatayo ng mga ito sa posibleng katiwalian sa DPWH ay sobra-sobra na. 

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni DepEd Secretary Angara na hindi raw bababa sa sanlibong mga classrooms na ipinatayo ng DPWH ang maituturing na structurally defective at substandard.  Karamihan sa mga silid-aralan na ito ay hindi napinturahan at walang kuryente, kaya hindi mapakinabangan hanggang ngayon. 

Hindi naman daw maituturing na ghost projects ang mga ito. May mga naipatayo naman at nai-turnover na sa pangangasiwa ng mga paaralan, pero hindi naman masasabing tapos at kumpleto. Matagal na raw ang problemang ito, dagdag ng kalihim ng DepEd. Hindi naman direktang sinabi ng DepEd na may katiwaliang nangyari sa pagpapatayo ng DPWH ng mga silid-aralan. Posible rin daw kasing kulang ang pondo o kaya naman ay hindi mabigyang-prayoridad ng DPWH ang konstruksyon ng mga classrooms dahil nakatuon ito sa iba pang mga proyektong pang-imprastraktura. Kaya naman, iminungkahi ni Secretary Angara na ilipat na ang trabahong magtayo ng mga paaralan sa mga local government units (o LGU).

Matagal nang may kinahaharap na problema ang DPWH sa pagpapatayo nito ng mga silid-aralan para sa DepEd. Bago pa man ang pandemya, mabagal na ang produksyon ng DPWH ng mga classrooms. Taóng 2020—administrasyon pa ni dating Pangulong Duterte—nang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na umaabot ng dalawang taon para tapusin ng DPWH ang isang silid-aralan lamang. Paano makakasabay ang ating mga paaralan sa pagdami ng mga estudyante kung ganito kabagal ang gobyerno sa pagpapatayo ng mga classrooms

Dahil sa kakulangan ng mga classrooms, napipilitang mag-aral ang mga estudyante sa maiinit at masisikip na silid-aralan. Ang kakulangan ng classrooms ay pinalalalâ pa ng ibang problema gaya ng kakulangan ng mga upuan at kawalan ng maayos na kuryente para komportable namang makapag-aral ang mga estudyante. 

Napakahalagang nakakamit ng ating kabataan ang dekalidad na edukasyon para makasabay o makahabol sila sa mga hinihinging kaalaman, kakayahan, at kasanayan para solusyunan ang mga nagpapatuloy at umuusbong pang mga problema sa ating mundo ngayon. Sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, tinalakay ng yumaong Pope Francis kung paanong ginagawang posible ng edukasyon na linangin ng bawat tao ang kanyang kinabukasan habang nakikibahagi sa lipunang kanyang ginagalawan. Paalala pa atin sa Mga Kawikaan 22:6: “Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki’y di niya ito malilimutan.” Malaki ang papel ng edukasyon sa tungkuling inilalarawan ng mga salitang ito mula sa Banal na Kasulatan. 

Pero paano nga ba natin maibibigay ang edukasyong tutulong sa mga batang tahakin ang daang dapat nilang lakaran at tutulong sa kanilang linangin ang kanilang kinabukasan kung kulang ang mga silid-aralan sa kanilang eskuwelahan? Patunay ang kakulangan ng classrooms sa ating bansa na sa huli, kawawa ang mga karaniwang mamamayan—kasama ang kabataan—kapag palpak ang pamamahala, kapag mabagal kumilos ang mga ahensya, at kapag hindi masinop ang mga ito sa paggugol ng perang ipinagkatiwala nating pangasiwaan nila. 

Mga Kapanalig, huwag lang tayo mag-pokus sa mga flood control projects ng DPWH. Sanga-sanga ang epekto ng mga pagkukulang ng DPWH. Damay pa ang ibang ahensya at ang mga serbisyong tungkulin nilang ihatid sa publiko. Ang natuklasan ng DepEd na kalidad ng mga gusaling ipinatayo ng DPWH ay dapat ding pagtuunan ng pansin ng mga mambabatas at bantayan ng taumbayan bilang mga nagbabayad ng buwis. Hindi na tayo magtataka kung sadyang tinipid ang mga classrooms na ito para lang may maibulsa ang mga kurakot. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 173,119 total views

 173,119 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 150,752 total views

 150,752 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 214,880 total views

 214,880 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 234,662 total views

 234,662 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 154,562 total views

 154,562 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 173,120 total views

 173,120 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 150,753 total views

 150,753 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 214,881 total views

 214,881 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 234,663 total views

 234,663 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »
Scroll to Top