Patuluyin si Hesus sa ating buhay, panawagan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 563 total views

Hinimok ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang mananampalataya na piliin at tanggapin si Hesus sa buhay ng bawat isa.

Sa pagninilay ng arsobispo sa taunang pagtitipon sa Missionaries of Charity sa Tayuman Manila, hinamon nito ang mananampalataya na isabuhay ang diwa ni Hesus, ang sentro ng pagdiriwang ng Pasko ng Kapanganakan.

“Piliin natin Siya [Hesus] at tanggapin; ‘Yan ang Pasko, ang Diyos kapiling natin kahit tinanggihan siya ng mga tao,” bahagi ng pagninilay ni Kardinal Tagle.

Paliwanag ng incoming Prefect for the Congregation of the Evangelization for People, maaring iwanan ang tao ng kanyang pamilya, kaibigan o mawawala ang kayamanan, at iba pang materyal na mga bagay subalit iisa lamang ang natitiyak na ang Diyos ay mananatili sa bawat indibidwal.

Hinikayat ni Cardinal Tagle ang halos isanlibong dumalo sa Banal na Misa na ibahagi si Hesus sa pamayanan sa pamamagitan ng pakikipagkapwa tao at paglingap sa mga higit nangangailangan sa lipunan.

Aniya, ang pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ay sumasagisag ng pananahan ng Diyos sa tao kaya’t mahalagang isabuhay ito araw-araw upang higit na mapag-alab at maramdaman ang tunay na diwa ng Pasko.

“Ang Pasko ay pasimula ng walang hanggang pagsasapiling ng Diyos sa atin; Kung si Hesus ay kapiling natin yun din ang ipakita at ipadama natin sa kapwa,” ayon sa Kardinal.

Ang Missionaries of Charity ay taunang namamahagi ng mga pamaskong handog sa mga kapus-palad partikular ang mga walang tahanan na palaboy-laboy sa mga lansangan, mga batang may karamdaman, at mga inaabandonang indibidwal.
Katuwang ng mga madre ang iba’t ibang grupo at organisasyon na nagkakawanggawa para sa mga dukha sa lipunan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pasko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 152,373 total views

 152,373 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 152,373 total views

 152,373 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 152,373 total views

 152,373 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 147,826 total views

 147,826 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 134,986 total views

 134,986 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top