Payapang resolusyon sa agawan ng posisyon sa pagka-gobernador ng Negros Oriental, hiling ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 793 total reads

Nanawagan ang Obispo ng Diyosesis ng Dumaguete ng sama-samang pananalangin para sa mapayapa at makatarungang resolusyon sa kasalukuyang alitan sa posisyon ng gobernador sa Negros Oriental.

Ayon kay Dumaguete Bishop Julito Cortes, mahalaga ang sama-samang pananalangin upang hilingin ang paggabay ng Panginoon sa mabilis na resolusyon sa hindi pagkakasundo ng bagong halal na gobernador na si Henry Pryde Teves at natalong governador na si Roel Degamo.

Panalangin ni Bishop Cortes ang pagbibigay prayoridad ng mga opisyal ng lokal pamahalaan sa kapakanan ng mamamayan sa lalawigan.

Umaasa ang Obispo na mananaig ang pagkakaunawaan at pagkakaisa sa probinsya hindi lamang sa pagitan ng mga magkakatunggali sa politika kundi maging sa kanilang mga taga-suporta.

“Lord, we humbly lift all these supplications to you as a Church community in the Diocese of Dumaguete. We beg you to cover with the Light of Your Spirit our COMELEC officials, the Hon. Roel Degamo, the Hon. Henry Pryde Teves, their lawyers, families, and supporters. Help us to journey along one path that upholds justice and peace. Help us speak a language of understanding, unity, and reconciliation that we may all serve to better the quality of the life which you generously shared with as.” panalangin ni Bishop Cortes.

Nabatid sa ulat na mayroong 100-taga-suporta ni Degamo ang humarang at nagpoprotesta sa harapan ng kapitolyo upang pigilan ang pagpasok ng bagong halal na gobernador na si Teves na opisyal na nanumpa sa katungulan noong ika-30 ng Hunyo, 2022 sa Hall of Justice ng Dumaguete.

Unang umapela sa Commission on Elections (COMELEC) si Degamo na ipawalang bisa ang pagtakbo ng ikatlong kandidato sa pagkagobernador na nagsilbing panglito sa mga botante dahil sa pagkapareho ng kanilang pangalan.

Iginiit ni Degamo na dapat ilaan sa kanya ng COMELEC ang nakuhang boto ng nasabing kandidato na mahigit sa 49,000 na kung idadagdag sa kanyang nakuhang 277,462 votes ay lamang siya botong natanggap ng nanalong si Teves na 296,897 votes.

 

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,441 total reads

 5,441 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 29,996 total reads

 29,996 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 70,555 total reads

 70,555 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,045 total reads

 97,045 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 145,311 total reads

 145,311 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 166,039 total reads

 166,039 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,442 total reads

 5,442 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 9,171 total reads

 9,171 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top