Paglingkuran ang mga Pilipino, mensahe ni Cardinal Advincula kay Pangulong Marcos Jr.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 856 total reads

Hinikayat ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga lider ng bansa sa pangunguna ni President Ferdinand Marcos Jr. na maglingkod ng tapat para sa kabutihan ng nakararami.

Ipinaliwanag ng cardinal na ang pagkaluklok sa posisyon ay gamiting pagkakataon para paglingkuran ang bawat Pilipino at itaguyod ang karapatan at dignidad ng mamamayan.

“You have been given the opportunity to seek the good not only of some individuals or particular groups but of the Philippine society as a whole,” saad ni Cardinal Advincula.

Ipinaalala ng Manila Prelate sa mga lider ng bansa na tularan si Hesus na isang Mabuting Pastol sa pamamagitan ng paglilingkod sa nasasakupan ng buong kababaang loob.

Umaasa si Cardinal Advincula na taglayin ng administrasyon ni Marcos Jr. katuwang si Vice President Sara Duterte – Carpio ang mga katangian ng Mabuting Pastol para sa kabutihan ng mamamayan lalo na ang mga dukha.

“May you be leaders who give life to our people, especially the needy and disadvantaged. Guided by truth, urged by charity, and passionate for justice and peace, may you spend yourselves in the service of common good,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Paalala ng arsobispo sa mga halal na lingkod bayan na bilang lider ay mahalagang matutuhan ang pakikinig upang malaman ang tunay na kalagayan ng nasasakupan.

“May we also be leaders with depth and grounding – depth gained by listening to God and grounding gained by listening to the people, by being in touch with the lives of ordinary Filipinos,” ani ng arsobispo.

Kapwa dumalo sa Pangulong Marcos Jr. at Vice President Duterte-Carpio kasama ang mga miyembro ng gabinete sa misa pasasalamat na pinangunahan ni Cardinal Advincula sa National Shrine of St. Michael the Archangels sa Malacañang compound nitong July 1.

Kasama ni Cardinal Advincula si Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo at iba pang mga pari ng arkidiyosesis.

Hinimok naman ni Cardinal Advincula ang mga Pilipino na ipanalangin ang mga lider ng bansa at magbuklod tungo sa mas maunlad na Pilipinas.

“Mga kababayan sa diwa ng bayanhan, sama-sama nating mahalin at paglingkuran ang ating bayan. Ipagdasal natin ang ating mga lider; tangkilikin natin ang kanilang mga mahuhusay at mabubuting hangarin at hakbangin. Kailangan nila ang panalangin at pakikipagtulungan natin upang magbunga ang mga pagpupunayagi nila para sa ikabubuti nating lahat,” giit ni Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 104,848 total reads

 104,848 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 141,634 total reads

 141,634 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 172,209 total reads

 172,209 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 220,734 total reads

 220,734 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 282,321 total reads

 282,321 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top