Christian formation, palalawakin pa ng Opus Dei Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 829 total reads

Tiniyak ng Opus Dei Philippines ang patuloy na pagpapalawak ng kanilang gawain sa pagpayabong ng pananampalatayang Kristiyano.

Ayon kay Opus Dei Regional Vicar Monsignor Carlos Estrada, pangunahing gawain ng grupo ang paghuhubog sa mananampalataya upang higit na maunawaan ang pagiging Kristiyano.

“The main task of Opus Dei is to give formation, Christian formation and all of this in different aspects; to impart the christian message para sa ganun ang ating pananampalataya at ang ating pananalig ay makikita sa pangkaraniwang gawain,” pahayag ni Msgr. Estrada sa panayam ng Radio Veritas.

Tinuran ng pari ang ninanais ni San Jose Maria Escriva, tagapagtatag ng Personal Prelature of Opus Dei na magiging banal ang lahat anuman ang kalagayan nito sa lipunan.

Naniniwala ang santo na bawat isa ay may kakayahang mamuhay sa kabanalan sa pamamagitan ng pang-araw-araw na gawain sa kani-kanilang larangan.

Batid ni Msgr. Estrada ang kahinaan ng tao subalit iginiit na bawat isa ay binigyan ng pagkakataon na tupdin ang kalooban ng Diyos.

“By carrying out your duties well for the love of God through the life of prayer and the sacraments one can achieve holiness here in this world,” ani Msgr. Estrada.

Sa Misang ginanap sa Manila Cathedral nitong June 27 para sa kapistahan ni St. Jose Maria Escriva ikigalak ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang biyaya ng pagmimisyon ng Opus Dei na isinasabuhay ang mga halimbawa ng santo.

“We come with hearts filled with gratitude and joy this evening to celebrate the memory and the teaching of this great saint who has shown us a way of sanctification in the modern world,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Pinasalamatan din ng nuncio ang Opus Dei na nagsusumikap palaganapin ang kawanggawa at pagmimisyon sa iba’t ibang dako ng daigdig upang abutin lalo na ang mahihirap sa lipunan.

Ayon sa datos ng Opus Dei Philippines nasa 3, 000 ang mga kasapi nito buhat ng magsimula ang apostolic work sa Pilipinas noong 1964.
Binigyang diin naman ni Msgr. Estrada na bukas para sa lahat ng mananampalataya ang iba’t ibang programa ng institusyon.

“Anybody who wishes to enrich their spiritual life are most welcome in all of this different activities sa iba’t ibang mga centers ng Opus Dei mayroong mga spiritual activities to enhance spiritual life,” giit ni Msgr. Estrada.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 106,021 total reads

 106,021 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 142,807 total reads

 142,807 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 173,382 total reads

 173,382 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 221,856 total reads

 221,856 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 283,443 total reads

 283,443 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top