Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PCO, may babala sa nagpapakalat ng fake news

SHARE THE TRUTH

 282 total views

Nanawagan si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz na dapat may pananagutan ang mga nagpapakalat ng fake news, lalo na kung may banta sa pambansang seguridad.

Ito ang naging pahayag ng kalihim sa panayam ng media, kung saan sinabi niyang kung may pananakot at maling impormasyon ay dapat na may mananagot.

“Kapag sumobra na, lalo na kung may pananakot o maling impormasyon, dapat may managot,” ani Ruiz.

Hinimok din ng opisyal ang mga bloggers, influencers, at netizens na maging responsable sa ibinabahagi nilang impormasyon, at hindi dapat gawing kasangkapan ang social media sa paninira o pagpapakalat ng kasinungalingan. “Walang nagre-regulate sa online content, hindi tulad ng TV, radyo, at pelikula. Kaya tuloy, ang daming fake news,” paliwanag ng kalihim.

Nagbigay din si Ruiz ng ng halimbawa ng mga pekeng balitang nakakalito sa publiko, tulad ng maling impormasyon tungkol sa mga suspensyon ng klase.

“Kung sinabi ng gobyerno na walang pasok pero may nagpakalat na meron pala, sino ang paniniwalaan?” tanong niya.

Binanggit din niya ang kaso ng paninira sa mga opisyal at ordinaryong mamamayan na walang magawa upang itama ang kasinungalingan laban sa kanila.

Ayon kay Ruiz, maaaring pag-aralan ang pagkakaroon ng regulasyon o kahit paalala sa mga social media users tungkol sa kanilang pananagutan.

“Hindi pwedeng Wild, Wild West ang online space natin. Dapat may pananagutan ang bawat isa,” ayon pa kay Ruiz. Hinimok niya ang publiko na maging mapanuri sa impormasyong kanilang tinatanggap at ibinabahagi upang labanan ang fake news at mapanatili ang tamang impormasyon sa social media.

Una na ring pinuna ni Pope Francis ang panganib ng fake news, lalo na sa social media at Artificial Intelliegence (AI) na maaaring manipulahin ang isipan ng tao, magpalaganap ng poot, at humina ang tiwala sa lipunan.

Binigyang-diin ng Santo Papa ang kahalagahan ng katotohanan upang mapanatili ang pagkakaisa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,341 total views

 83,341 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 91,116 total views

 91,116 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,296 total views

 99,296 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,828 total views

 114,828 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,771 total views

 118,771 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Uncategorized
Marian Pulgo

Senate inquiry sa Marawi siege, hiniling

 1,974 total views

 1,974 total views Hiniling ng isang grupong Muslim sa Marawi City sa Senado ang pagkakaroon ng Senate inquiry sa naganap na digmaan sa lungsod na umabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top